Chapter 14

80.1K 1.2K 115
                                    

Jillian Fuentes


Pagkatapos ko magbihis lumabas na ko ng kwarto. Alam ko naaasar na naman sa akin si Anne. Bukas pala uuwi na kami ng Manila.

Ang saya-saya pa naman dito. Huwag lang e-eksena yong Rhen na yon!

Andito pala si Anne sa kusina naghihiwa ng gulay.

"Babe" hinawakan ko yong bewang nya.

Hindi niya ko pinapansin.

"Huwag ka nang masungit, oh"

"Jillian kulitin mo pa ako tatadtarin talaga kita!"

"Aww masakit yan babe, gusto ko tumulong. Ano pwede kong gawin?"

Tumingin siya sa akin at nagtaas na naman ng kilay. Tsk sunget!

"Sige bili ka ng itlog na maalat sa tindahan " saad niya saka siya nagabot ng pera.

Nagtaka ako. Itlog na maalat? Bakit maalat? Niloloko ata ako neto, eh. Di bale na, sinunod ko na lang yong utos niya.

Naglakad na ako papuntang tindahan.

Pagdating ko ang daming bumibili. Napapansin kong nakatingin sila sakin.

Ayon ako na!

"Ate pabili nga po ng itlog na maalat?"

"Ilan?"

Aba meron nga!

Saglit ilan nga ba?

"Eto po 500, lahat na po yan"

Di ko natanong sa babe ko kung ilan e.

Medyo matagal akong naghintay.

"Eto." sabi ng Ale saka inabot sakin yong dalawang plastic na may lamang mga itlog.

"Thank you po."

Grabe andami pala.

May napansin ako.

Bumalik ako sa tindahan.

"Ate bat po pula tong itlog?"

Tawanan lahat ng nasa paligid ko. Anong problema nila?

"Pula talaga yan ganda."

"Ay ganon po ba? Sige po thanks"

Ang weird my pulang itlog pala!

Umuwi na ko.

Dahan dahan akong naglalakad baka mabasag tong itlog.

Grabe taga bili nalang ako ng itlog ngayon. Pinaparusahan ako ng babe ko.

Gumaganti ba siya?

"Babe eto na...." bulong ko. Andito kasi yong dalawang sis niya.

Halos yakap-yakap ko na tong binili ko.

"Jillian bat ang dami?"

"Uhm hindi mo naman kasi sinabi kung ilan."

"Sige lagay mo na lang diyan"

"Saan ko ilalagay baka mabasag, eh."

Tawanan silang tatlo.

Pati ba naman sila pagtatawan ako?

"Ate Jillian, hindi ka pa nakatikim niyan?" si Mara.

Umiling ako.

"Kaya pala."saad ni Sheena saka sila tumawa ulit.

Sunny side-up or scrambbled egg lang natikman ko pero hindi pa ako nakatikim ng weird na itlog. Natatawa pa rin si Anne.
Napapakagat pa siya sa lower lip niya sa katatawa.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon