Chapter 30

78.3K 1.2K 194
                                    

Jillian Fuentes



Katatapos ko lang maligo. Lumabas ako ng banyo na nakahubo. Ako lang naman magisa kaya okay lang. Ganito ako lagi kapag nandito sa kwarto lagi akong nakahubo.

"Oh so sexy!"

"Sh*t!" Bigla akong napatakbo pabalik ng banyo. Asar! "...hoy Jean anong ginagawa mo rito sa kwarto ko!" sigaw ko habang nakasilip dito sa pinto.

Gagong to! Bigla na lang sumusulpot.

Sa lahat ng kaibigan ko si Jean lang talaga nakakita ng kariktan ko! Siya lang naman kasi ang tarantadong hindi kumakatok kapag pumapasok ng kwarto ko.

Ano kaya ginagawa neto dito gabi na!

"Namimiss kita Jill. Magbihis ka na mag-usap muna tayo. Nalulungkot ako." Inabot niya sa akin yong bathrobe ko. Sus, alam ko nalulungkot lang naman 'to kapag hindi nakakatikim ng babae. Napapailing na lang ako. Sinuot ko na yong robe ko saka lumabas ng banyo.

"Gabi na, istorbo ka talaga." sabi ko habang nagsusuot ng undy.

"Jill naman parang hindi ka kaibigan, oh."

"Ano ba kasi yon?" nagbihis na ako saka nagpatuyo ng buhok.

"Nalulungkot ako sa nangyayari sa inyo ni Anne. Paano mo naman siya natitiis ng ganyan, alam ko namang mahal mo siya." Hindi ko inaasahan na yon ang sasabihin niya. Akala ko tungkol sa mga babae niya.

"Kumain ka na? Ah drinks anong gusto mo?"

"Jill, pwede ba huwag mong ibahin ang usapan!" Hay. Si Jean kahit babaero kapag alam niyang may problema ako hindi niya ako pinababayaan. Lagi siyang andito para sa akin.

"Pangalawang beses na Jean. Natuto na ako. Ang hirap kasi mas naniniwala pa siya sa bestfriend niya kesa sa akin. Yon ba ang pagmamahal?" kapag naaalala ko yong Rhen na yon nasisira talaga ang araw ko!

"Mahal ka ni Anne, Jill. Ramdam ko yon dahil kami ni Jo ang madalas niyang kasama kapag wala ka."

"Mahal niya ako pero bakit nagawa niyang hindi sumipot sa pinakamahalagang okasyon namin? Ni hindi man lang niya ako tinext! Nagmukha akong tanga Jean! Alam mo ba yong pakiramdam na yon?!" hindi ko napigilan. Tumaas yong boses ko. Hindi siya umimik. Alam ko napalapit na rin si Anne sa kanila. Pero hindi ganon kadali magpatawad. "Ano bang ayaw nila sa akin para saktan nila ako ng ganito!"

Napabuntong hininga ako.

"Naiintindihan ko yong nararamdaman mo pero sana hindi ka magsisi kapag nawala siya ng tuluyan sayo. Baka kapag narealize mo kung gaano siya kahalaga sayo ay huli na din ang lahat para sa inyo." Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Tumayo na siya saka niya tinapik ang balikat ko.

Umalis na siya.

Bakit parang napakaseryoso ni Jean? Dati puro lang kalokohan ang mga sinasabi niya sa akin. Minsan pinagsasabihan naman niya ako pero hindi ganito kalalim. Nasaktan din kaya siya? Ang alam ko siya ang nang-iiwan. May point siya pero hindi ganon kadali sa akin. Hahayaan ko na lang ba na paulit ulit akong masaktan? Hindi! Pagkatapos kong masaktan kay Tiffany pinangako ko sa sarili ko na hindi ko hahayaang may manakit pa sa akin.

Humiga na ako pero umupo ulit ako. Andito pa yong unan ni Anne pati yong panyo niya na kinuha ko nakatago pa sa drawer ko. Nakalagay yon sa isang box.

Ibabalik ko na lang siguro.

....

Kagabi kahit ilang beses kong sinubukang ipikit ang mga mata ko hindi talaga ako makatulog kaya ginawa ko bumaba ako ng bahay saka naligo sa pool, wala akong tulog.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Where stories live. Discover now