Chapter 34

102K 1.5K 298
                                    

Jillian Fuentes


Paggising ko grabe ang sakit ng mga mata at lalamunan ko. Napabalikwas agad ako. Asan na ang babe ko? Kinuha ko agad ang phone ko. Hala! Pasado ala una na. Tumayo ako saka pumunta ng kusina. Hindi man lang ako ginising ng babe ko.

"Babe? Wendz? Jean? " Tinatawag ko sila pero wala ata sila. Walang sumasagot, eh. Bakit nila ako iniwan? Umupo muna ako dito sa may dining. Hikab ako ng hikab. Saan kaya yong tatlong yon?

"Jillian?" Ang babe ko. Tumayo ako bigla.

"Babe!" Nasa pinto siya ng kwarto.

"Sa wakas nagising ka rin." Humalik ako sa pisngi niya.

"Babe, bakit mo ako iniwan dito magisa?"

"Nsa likod lang kami ng bahay. Ang hirap mo kayang gisingin."

"Babe, kasalanan mo naman dahil pinuyat mo ako." Tinaasan ba naman ako ng kilay.

"Kapal mo! Yong hinigaan mo tupiin mo saka ka sumunod sa likod ng bahay, okay?" Tumango ako saka ako pumasok ng kwarto para tupiin daw tong hinigaan namin. Ang aga-aga inutusan agad ako! Sa totoo lang nakakatamad magtupi. Tsaka hindi ako magaling dito tapos nagugutom pa ako.

Bakit ganon? Hindi ba dapat ako ang pinagsisilbihan nila? Kinuha ko na yong mga unan at kumot saka hinagis sa ibabaw ng kama sabay sipa nong manipis na foam at napunta ito sa ilalim ng bed. Okay na siguro yan.


Gusto ko sanang kumain muna. Kakain muna ako! Kumuha na ako ng plato at nagsandok ng kanin. Pagbukas ko ng kaserola. Naningkit ang mga mata ko!

Bakit walang ulam! Lumabas ako ng bahay at pumunta sa may likuran.  Ayon si Wendy! May dalang basket at namimitas ng sitaw sa garden niya. Kaso asan ang babe ko at si Jean?

"Wendz, bakit walang ulam?" kinalabit ko yong likod niya.

"Ay Oo wala nga. Magluto ka na lang. May itlog don magprito ka na lang."

"Ano ba yan! Hindi ako marunong magprito. Ikaw na lang. Dali na Wendz nagugutom na ako." Ay grabe! Ang sama ng tingin niya sa akin.

"Iuntog kaya kita! Nakikita mong may ginagawa ako." Sumimangot ako saka bumalik dito sa bahay. Kainis! Kung dati ang babe ko lang nagagalit sa akin ngayon dalawa na.


Ano ba yan! Binalikan ko si Wendy.

"Wendz, nasaan si Anne at Jean?"

"Pumunta saglit sa palengke."

Bakit ganon? Hindi man lang ako tinirhan ng pagkain ng mga 'to. Nagugutom na ako, kanina ko pa hinihintay ang babe ko.

Magpiprito ako! Kinuha ko na yong kawali saka pinatong sa kalan. Kumuha na rin ako ng itlog sa ref. Huminga ako ng malalim saka ko tinitigan tong hawak kong itlog.

"Itlog, paano ba kita ipiprito, ha?" Hay asar na itlog! Paano nga ba?

"Jillian nasisiraan ka na ba ng bait!" Bigla akong napalingon sa likuran ko.

"Babe!" Yumakap agad ako sa kanya saka humalik sa pisngi niya.

"Jillian, bakit mo naman kinakausap yang itlog?"

Forbidden Flower | JFuentes #1 (GXG) ✔Where stories live. Discover now