Chapter 29

62.7K 1.1K 116
                                    




Anne Del Rio




Mahigit isang linggo na pero hindi pa rin nagpaparamdam si Jillian.

Makinig ka, kung gusto mo ng normal na relasyon huwag na huwag ka nang lalapit pa sa akin. Yun yong huling sinabi niya bago siya umalis. Alam kong mali ako. Hindi dapat ako nagpaapekto sa sinabi ni Rhen. Kasalanan ko kung bakit galit siya sa akin.

Nalulungkot ako. Hindi namin alam kung nasaan si Jillian. Hindi namin siya makontak. Mahigit isang linggo na siyang hindi pumapasok. Hindi din siya naglaro nong dalawang huling laban nila sa Volleyball. Sana magpakita na siya. Nalulungkot ako dahil miss na miss ko na siya.

Napatingin ako sa may pintuan. Gabi na may kumakatok pa? Si Jillian kaya yon? Tumayo ako agad saka nagpahid ng luha.

"Sino yan?"

"Atasha."

Umaasa ako na si Jillian ang dadating. Binuksan ko ang pinto.

"Atasha napadaan ka?" Niyakap niya ako saka siya bumeso sa pisngi ko.

"Nagaalala kami sa inyo ni Jill. Hindi nakasama yong iba dahil sinusubukan nilang hanapin siya sa mga bar baka kasi andon yon nag-iinom."

Sa totoo lang hiyang hiya na ako sa kanila.

"Ngayon ko lang narealize kung gaano ko siya kamahal pero paano kung ayaw na niya sa akin?" hindi ko na naman mapigil yong luha ko. Dahil sa katangahan ko mawawala pa yong isang taong pinakamamahal ko----si Jillian.

"Magiging okay din ang lahat, Anne. Huwag ka nang umiyak."

Ilang gabi na akong hindi makatulog. Umaasa ako na magpapakita na siya. Hindi ko na kaya sobra akong nalulungkot.

Umuwi din agad si Atasha. Gabi gabi isa sa kanila ang pumupunta rito sa apartment para kumustahin ako. Napakaswerte ko sa mga kaibigan ni Jillian pero kung hindi dahil sa akin sana andito siya kasama ko. Pero sinira ko lahat.

...

"Anne tanda mo ba kung saan nakatira yong kapatid ni Jill?" tanong ni Jean habang naglalakad kami papuntang school. Sinundo niya ako.

"Oo tanda ko."

"Good, punta tayo nila Jo baka andon siya." Tama! Bakit hindi ko naisip na pwedeng pumunta si Jillian doon?

Napagusapan namin na pumunta sa probinsiya kaya kinabukasan ay sinundo nila ako dito sa apartment ko.

"Anne tara na!" sigaw ni Jo habang hinihintay nila ako sa kotse. Binilisan ko na ang maglakad saka pumasok at umupo dito sa backseat.

"Wala si Jack?" tanong ko.

"Wala may conference sila kaya tatlo lang tayo." sagot ni Jo. Si Jean tahimik lang habang nagdadial sa phone. Sinusubukan pa rin siguro niyang kontakin si Jillian. Nagbiyahe na kami. Limang oras bago kami nakarating dito sa lugar ni Wendy.

Naalala ko tuloy yong unang punta namin ni Jillian dito. Ang kulit kulit niya. Miss na miss ko na talaga siya.

"Tao po." kumatok na si Jean.

"Sino yan?" boses ni Wendy.

"Mga kaibigan ni Jill."

Binuksan agad ni Wendy itong pinto saka kami pinapasok. "Upo kayo."

"Thank you. Uhm nagbaka-sakali lang kami baka nandito si Jill. Ilang araw na siyang hindi pumapasok sa school." si Jean.

Hindi siya sumagot agad.

Napatingin naman ako sa mga damit na nakasampay malapit sa banyo. Hindi ako nagkakamali yong isang jacket ay kay Jillian. Suot niya yon nong huli kaming nagkita.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Where stories live. Discover now