Chapter 6

86.1K 1.4K 72
                                    


Jillian Fuentes

Katatapos lang namin kumain. Humanda talaga sa akin tong dalawa bukas. Tama bang ako yong pagtripan nila at sabihing mabantot ako sa harap ni Anne. Tsk mga loko, eh!

Umupo muna ako dito sa sofa habang yong dalawa naman ay lumabas. Si Anne nagsa-shower, wait ko lang siyang matapos at ako naman ang susunod.

Narinig kong bumukas yong pinto ng banyo, tapos na siya ako naman! Pero parang hindi na ako makatayo nong makita kong nakatapis lang siya ng towel. Tumigil tuloy yong paghinga ko. Kailangan ko ata ng oxygen!

"Jillian tititigan mo na lang ba ako?"

Naku! Napansin niya na nakatingin ako sa kanya. Nataranta tuloy ako!

"Ako naman ang maliligo."saad ko saka ko siya nginitian.

Halos liparin ko papasok ng banyo wag niya lang makitang namumula ako. Binuksan ko na ang shower. Ang sarap sa pakiramdam dahil ang lamig ng tubig. Bakit ganon? Ang dami ko nang nakitang hubad na girls pero iba talaga yong dating niya sakin. Nakatapis pa siya sa lagay na yon. Paano kapag nakahubad na?

Napasandal ako habang tumutulo yong tubig sa shower. Ang dami kong iniisip.
Lahat puro si Anne. Gusto ko sabihin yong nararamdaman ko sa kanya pero pinipigilan ko dahil alam ko marereject lang ako. Straight siya at sigurado akong hindi yon papatol sa kagaya ko.

"Hey Jill, plano mo bang matulog diyan sa banyo? Magiisang oras ka na ata diyan, ano ba?!" sigaw ni Jo.

Hala! Binilisan ko na agad. Magshoshower din pala sila. Ang tagal ko na pala hindi ko napansin. Paglabas ko ng banyo nakita ko si Anne kumukuha ng mga unan at bed sheet sa kabinet. Umupo muna ako sa kama kung saan nakaupo din si Jean.

"Tsk tsk tsk. Ano nairaos mo ba?"ngiting-ngiti siya.

"Ang dumi ng utak mo."

"Bakit ang tagal mo sa banyo? Akala ko hirap ka, eh."

"Bastos mo talaga Jean. Naligo lang ako, 'no!"Pag-isipan ba naman ako ng kumag na 'to ng kabastusan!

Pagkatapos naming magshower lahat ay nanood muna kami. Sa totoo lang di ako makadiskarte kapag andito tong dalawa, pero pasalamat na din ako, kung hindi dahil sa kanila hindi ko makakasama si Anne.

"I'm sleepy na guys, kayo ba?" si Jo na halatang antok na talaga.

"Ako din hindi ko na kaya." sumunod na rin si Jean.

"Guys dito na lang kami sa baba ni Jean matutulog. Jill, Anne night night." saka sila humiga na.

"Goodnight" sabay pa kami ng babe ko. Yiiie!

"Babe hindi ka pa inaantok?"

Gusto ko na talaga siyang makatabi sa pagtulog.

"Hmm antok na rin ako."

"Eh di tara tulog na tayo." halos bulungan lang kami.

"Doon ka na sa bed dito ako sa sofa."saad niya.

"Ayoko nga." sabay simangot ko sa kanya.

Pinatay ko na yong tv saka ko siya hinila papuntang kama. Di na siya naka angal pa. Maliit lang tong kama niya kaya halos magkadit kami ng sobra. Yong dalawa naghihilik na ng mahina.

Lunok ako ng lunok. Paano kinakabahan ako. Dream come true na makatabi ko siya sa pagtulog. Pero tinalikuran niya ako.

"Babe?" bulong ko sa kanya.

"Jillian pwede ba 'wag mo akong tawaging babe."

"Bakit hindi?"

"Basta, saka matulog ka na."

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Where stories live. Discover now