Chapter 32

103K 1.2K 88
                                    

Jillian Fuentes


"Jillian, tara na sa taas tulungan natin silang magluto." Ano ba yan  kahihiga ko pa lang dito sa lap niya aakyat na naman.

"Babe dito muna tayo baka paghugasin na naman ako ng mga plato." sabi ko pero sa totoo lang gusto ko siyang makasama rito at masolo. Ang tagal naming hindi nag-usap dahil sa tampuhan namin nong mga nakaraang araw kaya gusto kong sulitin ngayon.

"Ikaw talaga ang tamad mo." sabi niya saka niya ako sinabunutan. Napangiti naman ako. Minsan naaawa na ako sa sarili ko paano kung hindi si Yana nananakit sa akin eto namang babe ko. Hindi kaya mamatay agad ako nito?

"Babe, sa susunod huwag ka nang aakyat ng bundok kapag hindi mo ako kasama, ha? Muntik ka nang mawala."

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa babe ko. Tsaka yong Arvie na yon buburahin ko talaga mukha non dahil pabaya siya!

"Opo, Hindi ko naman kasi akalain na wala na si Arvie sa tabi ko. Hindi ko alam na napalayo na ako, ako na lang pala mag-isa yong umaakyat papunta sa ibang direksyon."

"Hindi ko kakayanin kapag nawala ka, babe."

"Sus nakaya mo nga na hindi ako pansinin hanggang matapos ang sem."

"Kasalanan mo naman, ah." Naku eto na naman po kami. Umupo na ako saka ako tumabi sa kanya. Ayokong mag-away kami kaya nginitian ko siya saka yumakap sa bewang niya.

"Babe, pwede ba natin ulitin yong ginawa natin kagabi?" Tiningnan niya ako ng masama.

"Baka gusto mong pakainin kita ng buhangin!" Ang sungit, kanina lang parang bibigay na naman siya.

"Ayoko nga. Babe, ano kaya kung magsama na kaya tayo sa iisang bubong?" Bakit siya natatawa sa sinabi ko? Seryoso naman ako.

"At ano namang gagawin natin kapag nagsama tayo aber?"

"Eh di, ipagluluto mo ako tapos ako taga masahe mo, taga kamot ng likod mo tsaka araw araw paliliguan kita."

"Ginawa mo naman akong aso." Natawa ako sa sinabi niya.

"Ganda mo namang aso, babe. Hindi ka mukhang askal."  Kinurot niya yong tagiliran ko. Grabe ang sakit!

"Babe naman puro kalmot na nga yong likod ko dadagdagan mo pa tong tagiliran ko." reklamo ko sa kanya.

"Ang kulit mo naman kasi." Ang cute talaga niya minsan magsungit. Namiss ko yong ganito. Wala kaming ginawa kundi mag-asaran lang.

"Naiinis ka na sa akin, babe?"

"Hindi. Namimiss lang kita."

"Babe, kasama mo na nga ako namimiss mo pa rin ako?" Tumango siya saka siya yumakap sa akin. Kahit madalas masungit ang babe ko minsan marunong din siyang maglambing.

"Babe, ang sweet mo." Hinalikan ko siya sa pisngi saka sa noo niya. Okay na kami. Wala na rin yong galit na nararamdaman ko noon. Ngayon, mas lalo ko pa siyang minahal.

Medyo matagal din kaming umupo sa buhanginan. Magkahawak ng kamay saka nagkikilitian. Kapag naalala ko yong nangyari sa amin kagabi napapangiti ako nang todo. Nagpapasalamat din ako sa mga kaibigan ko dahil alam kong sila ang gumawa ng paraan para magkalapit ulit kami ng babe ko. Hindi naman lingid sa kanila na mahal ko talaga ang babaeng ito. Mahal na mahal.

Nandito na kami sa bahay. Tumutulong ang babe ko sa pagluluto. Ako eto katabi si Jean dito sa sofa nakapatong yong paa niya sa legs ko habang nagbabasa ng magazine.

"Jill, tingnan mo 'to." Umupo siya saka niya binuklat yong magazine.

"Ang sexy naman niyan." sabi ko nong makita ko yong nakapose na parang Japanesse girl.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Where stories live. Discover now