Chapter 13

71.5K 1.2K 22
                                    


Jillian Fuentes

Nakakapanglata dahil hindi ko siya masosolo ngayong gabi. Nakabihis na kami. Pero andito pa kami sa kwarto hanggang ngayon. Napaka sexy niya sa suot niyang blue na dress. Hapit sa katawan niya.

Nagpapasexy ba siya kay Rhen?

"Ang sama ng tingin mo sa akin?"sabi niya.

"Bakit hindi ka na lang maghubo."

"Anong masama sa suot ko?"

Sa akin wala, pero may mga kasama kaming iba baka pagnasaan pa siya.

"Ang laswa mong tingnan."

"Wala ka bang ibang gagawin kundi asarin ako?"

Talaga! Kesa naman pagnasaan ka ng iba. Very protective nga ako, eh.

"Magbihis ka."

"Jillian ayoko nang magbihis pa."

Hindi ko siya pinansin. Naghalungkat ako ng ibang damit niya.

"Eto ang isuot mo."

Inabot ko sa kanya yong isang simpleng dress lang.

"Kahit kelan nakakainis ka!"

"Wait kita sa sala."saad ko.

Paglabas niya ng kwarto. Hindi ako makapaniwala. Bakit parang lalo siyang gumanda sa suot niya? Mali ata ang naiabot ko.

"Galit ka ba, babe?"

"Naiinis ako sayo."

Mukhang umuusok na yong ilong niya.

"Sorry babe, huwag ka nang magalit mas bagay mo yang suot mo ngayon lalo kang gumanda."

Hay totoo naman lalo siyang gumanda.
Hindi siya umimik. Galit na siguro. Dumating na rin si Rhen. Isang Van ang dala nila. May mga kasama sila mga siyam kaming lahat. Magkatabi kami pero hindi pa rin niya ako iniimik.

Biglang nagring 'tong phone ko. Si Tiffany ang tumatawag. Ayoko sanang sagutin pero sige na nga.

"Hello?"

["Jill where are you? Labas ulit tayo?"]

"Hindi pwede andito ako sa Province."

Kahit masakit yong ginawa sa akin noon ni Tiff. Hindi ko naman siya pwedeng ipagtabuyan lagi. Isa pa hindi na ako affected. Si Anne na ang dahilan kung bakit ako nalulungkot, naiiniis, nasasaktan at higit sa lahat siya ang dahilan kung bakit ako masaya.

["I see, pwede malaman sino kasama mo?"]

Matagal bago ako sumagot.

"Si Anne."

Si Anne na hindi ako pinapansin ngayon.

["Siya na ba?"]

Bahagya akong napangiti. Hindi ko pa sinasabi pero mukhang alam na niya na gusto ko si Anne.

"Sana."

["Okay enjoy Jill."]

"Thanks Tiff."

After thirty minutes na byahe nakarating din kami sa pinaka malapit na City, dito sa isang Bar. Grabe pagpasok pa lang puro usok na ang malalanghap mo. Nagorder agad sila ng drinks.

Si Anne hindi niya ako pinapansin. Aaminin ko nasasaktan ako. Sila lagi ni Rhen ang magkausap. Minsan kinakausap naman ako ng mga kaibigan nila.

"Okay ka lang ba?" tanong ng kaibigan nila.

"Yup. okay na okay."

"Good!"

Saka ako nag shot ng tequila. ugh! Naka tatlong shots na ako. Napalingon ako sa right side na table my nakatingin sa akin na girl. Maganda at Sexy. Ngumiti siya saka niya tinaas yong bote na hawak niya.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon