Chapter 8

80.9K 1.4K 43
                                    


Jillian Fuentes

Ang saya ng araw na 'to para sakin. Well araw-araw masaya mula nong dumating siya sa buhay ko. Ang sarap ng pakiramdam pag nag-aasaran kami.

Andito na ako sa kwarto ko, kararating ko lang dahil hinatid ko pa si Anne kanina.

Nagshower na ako at nagbihis.

Hawak hawak ko ang unan niya saka ako umupo dito sa sofa. Binuksan ko yong TV kasi manunuod ako ng anime.

Kaninang lunch napansin ko na nakatitig siya sa labi ko. Gusto din kaya niya akong halikan?

Madalas kasi iniimagine ko na hinahalikan ko siya.

Niyakap ko tong unan na kinuha ko kay Anne. Sana siya nalang to para laging yakap-yakap ko siya.

Di ko na namalayang nakatulog ako dito sa sofa habang yakap ang unan niya.

....

Nagising ako sa ring ng phone ko. Pagtingin ko sa orasan 11pm. Si Jo ang tumatawag. Bakit kaya?

"Yes Jo?"

Bakit kaya napatawag 'to?

"Jill andito ako sa hospital!"

"Ha? Bakit? Sang hospital?"

Ramdam kong nagpipigil ng iyak si Jo.

"St. James Hospital,......Jill si Jean!!!!"

Sobrang kabado ako. Sa bosses palang niya alam ko nang may hindi magandang nangyari.

"Wait mo ko diyan!"

Nagmadali ako, nagbihis at kinuha ko yong jacket ko na may hood.

Kanina ang saya-saya pa naming tatlo habang magkakasama bago matapos ang klase.

Ayoko ng ganitong pakiramdam.

Binilisan kong magdrive after 15minutes nakarating din ako. Tinawagan ko si Jo para malaman kung saang room sila naruroon.

"Jo what room?"

"Emergency room, Jill"

Tumakbo ako pero parang wala ng lakas ang tuhod ko. Diretso ako sa E.R. at nakita ko agad siya. Nakasandal ito sa wall habang nakayuko. Napansin ko ring duguan yung damit niya.

"Jo?"

"Jill!"

Tumakbo siya palapit sa akin saka yumakap.

"Anong nangyari?"

Nandito kami sa labas ng room after ng ilang sandali nagsimula na siyang mag kwento. Galing daw sila sa coffee shop nong may humarang sa kanilang anim na lalaki sa parking lot. Pinagtripan daw sila.

Lumaban sila pero magaling din daw sa martial arts yong dalawang lalaki. Kaya nahirapan sila. Black belter kaming tatlo. Kaya hindi kami basta naaapi ng kung sino. Freshmen kami sa high school nong unang magkakilala. Kada hapon Umaattend kami sa Martial Arts training. Doon nagstart yong friendship namin.

Nagulat na lang daw siya nong biglang maglabas ng kutsilyo yong isang lalaki. Sasaksakin dapat siya pero hinarang daw ni Jean. After no'n nagtakbuhan daw yong mga lalaki.

Hindi ako makapaniwala. Bakit nangyari to? Hindi ko man lang natulungan ang mga kaibigan ko. Naiiyak ako sa galit!

Imposibleng pinagtripan lang sila! Humanda sakin kung sino man yong mga gumawa sa mga kaibigan ko nito.

...

WALA na kaming tulog ni Jo. Dito na kami sa hospital inabot ng umaga. Pero ayos lang importante mabantayan namin si Jean. Aabsent muna kami para asikasuhin ang kaibigan namin. Wala kasi ang parents niya dito sa bansa. Pare parehas kami ng sitwasyon na tatlo. Kaya kami naging magkaibigan dahil nakakarelate kami sa buhay ng bawat isa.

Forbidden Flower | JFuentes #1 (GXG) ✔Where stories live. Discover now