Chapter 31

100K 1.4K 211
                                    

Jillian Fuentes



Minsan naiisip kong pansinin na siya kaso kapag naalala ko yong ginawa niya sa akin bumabalik yong galit sa puso ko.

Nag-inat ako ng mga kamay habang nakadapa.

"Aray."

"Ay sorry." natamaan ko yong ulo niya. Nakahawak siya kung saan tumama yong kamay ko. Gusto ko sanang haplusin yong ulo niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Tumayo na ako saka lumabas ng kwarto. Nagkukumpulan yong iba sa sala. Yong iba nasa kusina nagluluto.

Lumabas ako ng bahay napansin ko may kubo sa di kalayuan kaya dumirecho ako doon. May malaking puno ng santol tapos yong mga bunga naglalaglagan sa lupa. Sinipa-sipa ko lang. Umupo ako dito sa nakausling ugat ng isang puno katabi ng santol. Kumuha ako ng isang maliit na kahoy saka nagsulat sa lupa.

Babe. Ito ang isinulat ko.

"Jill."

Nagulat ako nang tawagin ang pangalan ko. Bigla ko tuloy binura yong isinulat ko. Paglingon ko si Arvie!

"Anong kailangan mo?"

"Matagal ko na siyang gusto kaya kung hindi mo na siya mahal tigilan mo na ang pananakit sa kanya."

Napaismid ako.

"Sino ka ba sa tingin mo para pagsabihan ako ng ganyan?" Binitawan ko yong kahoy na hawak ko. Sabi ko na nga ba tama ang hinala ko, may gusto siya kay Anne. Halata naman sa mga tingin niya noong una pa lang.

"Hindi ko hahayaang saktan mo lang siya." sabi niya saka siya tumalikod at bumalik na sa bahay. Ang kapal ng mukha! Sino naman kaya siya sa tingin niya! Ayoko pang bumalik doon kumukulo dugo ko sa Arvie na yon kaya umupo muna ako rito.

Dumidilim na.

"Jill, kain na!" sigaw ni Atasha. Tumayo na ako saka naglakad papunta sa bahay. Pagpasok ko dinig ko lahat ng kwentuhan nila sa kusina pero bigla silang tumahimik nang makita nila ako. Anong problema nila?

"Jill, dito ka sa tabi ko." si Guen. Tutal katabi naman ni Anne si Arvie kaya tatabi na lang ako dito kay Guen.

"Sama ka sa Thailand after nitong vacation natin sagot ko lahat. Kasama natin si Jo at Jack." sabi niya habang kumukuha ako ng kanin. Hindi ako umimik kumuha lang din ako ng ulam. Ayokong pumunta sa ibang bansa kung hindi ko kasama si-----eto na naman ako. Sumubo na lang ako.

Kahit ilang beses akong kinulit ni Guen ay hindi ako pumayag. Ang kulit niya wala pa rin siyang pinagbago, kaklase namin siya noong high school kaya magkakakilala talaga kami.

Pagkatapos namin kumain umupo ako dito sa sala, pati yong iba nandito rin. Lagi na lang nakadikit si Arvie kay Anne. Mukhang gustong gusto naman nong isa.

Tumayo ulit ako. Pupunta ako sa kwarto.
Papasok na sana ako kaso bigla akong natigilan, lumabas ng kabilang kwarto si Guen nakahubo katatapos lang niyang maligo.

"Magdamit ka nga! Para kang tikling!" sigaw ko sa kanya. Halatang nabigla siya. Kahit pinsan pa siya ni Jo wala akong pakialam. Sisigaw ako kung gusto ko. Inirapan ko siya saka ako pumasok dito sa loob ng kwarto.

"Ang init ng ulo! Bakit ba eh puro naman tayo babae, ah!" narinig kong sigaw niya. Humiga na ako rito sa kama saka pumikit.
Kahit pilitin kong matulog hindi ko magawa. Bakit ang tagal niyang pumasok dito?

Tumayo ako saka sumilip dito sa pinto. Andon pa rin siya sa sala kausap si Arvie. Naiirita tuloy ako bakit hindi pa siya pumasok dito! Nageenjoy ata sa Arvie na yon!

"Tulog ka mahimbing" narinig kong sinabi ni Arvie kaya bigla akong humiga dito sa kama at pumikit. Kunyari tulog na ako.

"Ikaw din. Goodnight." si Anne. Narinig kong itinulak niya yong pinto saka pumasok. Pinipigil ko yong hininga ko baka mahalata niya ako na nagtutulog-tulugan lang. Humiga na siya. Nakatingin kaya ulit siya sa akin? Pinilit ko na lang matulog ang importante nandito na siya sa tabi ko.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon