Chapter 16

82.3K 1.3K 81
                                    


Jillian Fuentes




Basang basa na ako ng ulan. Andito pa rin ako sa ilalim ng puno. Hindi ako nagpakita sa kanya nong sumilong siya rito. Nakatanaw lang ako sa kanya ngayon habang naglalakad siya pauwi, basang basa din siya ng ulan.

Gusto ko siyang habulin at yakapin pero natatakot ako. Napasandal na lang ako rito sa puno, kahit gumagabi na andito pa rin ako.

Nagsimula akong maglakad hindi ko mapigilan ang mga paa ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Nanginginig ako sa sobrang lamig at para akong tanga sa itsura ko. Pero dito rin ako dinala sa apartment ni Anne ng mga paa ko.

Huminga ako ng malalim. Nandito na ako sa harap ng pinto niya. Anong gagawin ko?

Aalis na ako nang biglang bumukas yong pintuan.

"Jillian?"

Nakatayo lang ako, hindi ako makapagsalita.
Nanginginig ako sa sobrang lamig at sa takot na ipagtabuyan na naman niya ako.

"So-sorry alis na ako." inunahan ko na siya bago pa niya ako itaboy. Tatalikod na ako nong hinawakan niya yong kamay ko at hinila papasok dito sa apartment niya.

"Kukuha lang ako ng towel at damit mo."

"Anne!" tawag ko sa kanya saka ko hinawakan yong braso niya kaya napalingon siya. Agad ko siyang hinila palapit sa akin saka ko siya niyakap nang mahigpit.

"Bakit? Bakit ang dali sayong ipagtabuyan ako?" sabi ko sa kanya habang yakap-yakap siya.

Hindi ko mapigilan yong emosyon ko. Gusto ko nang umiyak pero pinipigalan ko.

"I'm sorry kung ano man ang nasabi ko."

Ramdam kong humigpit yong yakap niya sa akin.

"Miss na miss na kita alam mo ba yon?" hindi ko napigilang sabihin sa kanya, miss ko na talaga siya.

"Jillian, ganon din ako."

 Tama ba ang narinig ko na ganon din siya. Anong ibig niyang sabihin, namimiss din niya ako?

Hindi nga?

"Miss mo rin ako?"

Tumango siya.

Namiss niya din ako!!!

Hindi ako makapiniwalang sasabihin niya yon, hinalikan ko siya sa noo sa sobrang tuwa.

 "Anne.." sambit ko habang hinahalikan ko siya pababa sa ilong.

Saka ako napatingin sa....sa mga labi niya.

Napalunok ako.

Nanginginig ako dahan-dahan kong inilapit ang mga labi ko sa mga labi niya. Napansin kong napapikit siya nong maglapat ang mga labi namin.

Ahh ang lambot talaga...

Nakapikit lang siya habang paulit-ulit ko siyang hinahalikan. Hinigpitan ko ang hawak ko sa bewang niya para mas lalo kaming magkadikit.

Narinig ko ang moan niya. Grabe mas lalo akong nasasabik sa kanya. Ang sarap niyang halikan. Napayakap siya sa batok ko at hindi ko napigilang dilaan yong lower lip niya.

Nagmoan ulit siya.

Sh*t ang sarap pakinggan non. Sinubukan kong ipasok yong dila ko sa loob ng bibig niya. Hindi naman ako nabigo, tinutukso ng dila ko yong dila niya para ilabas niya. Sumunod naman siya sinimulan ko ng sipsipin yon grabe ang tamis.

Sobrang kabog ng dibdib ko. Iba talaga kapag mahal mo ang hinahalikan mo.

Sabay kaming naghahabol ng hininga nong maghiwalay ang mga labi namin pero yakap-yakap ko pa rin siya at nakayakap pa rin siya sa batok ko.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Where stories live. Discover now