He Kissed

66.5K 1.8K 271
                                    

Nauna akong bumalik sa parte ng bahay kung saan nandoon ang mga bisita. Nakita ko agad si Savion na kasama si Tita Paige. I'm relieved to see her. Kanina kasi ay sinabi niya sa akin na parang ayaw niyang pumunta.

Lumapit ako sa kanila. May kausap na ibang tao si Tita Paige. Hindi ko  na hahanapin pa si Tito Xavier dahil malamang ay magkasama sila ni Daddy. Papalapit pa lang ako ay naramdaman na ako ng pinsan ko.

Parang nabuhayaran si Savion nang makita ako. Lumaki ang ngiti niya at excited na inangat ang kamay para kumaway. Biglang nagsalita si Savion. Mukhang sinabi sa mom niya na papalapit ako dahil lumingon sa akin si Tita Paige.

Tita Paige is really beautiful. Kahit na nasa forties na sila ay youthful pa rin ang itsura. Nakita ko ang ilang pictures ni Mommy at Tita Paige na magkasama noong college pa sila. Bukod sa mas naging matured ang itsura ay wala nang ibang pinagbago.

"Avis," malaki ang ngiti ni Tita nang makalapit ako. May sinabi siya sa kausap niya kanina bago ako sinalubong ng mahigput na yakap. "Oh, I miss my inaanak!"

"Mom, OA much? Last week lang nag sleep over yan sa atin." pang-aasar ni Savion. Pabirong umirap pa siya.

Binitawan ako ni Tita at nakasimangot na tiningnan ang sariling anak niya. "Shut up, Savion Elizabeth. Kahit kailan talaga, mana ka sa ama mong mahilig mang-asar. Bakit di ka gumaya dito kay Avis?"

"What, ma? Mana rin yan sa daddy niya. She's a cold snob."

Suminghap si Tita Paige. "Naku! Susumbong kita sa Tito Eros mo!"

"Sumbong din kita kay Dad. I'm gonna tell him about-" nanlaki ang mga mata ni Tita Paige. Itinakip niya ang kamay sa bibig ni Savion.

"You promised to keep that a secret!" reklamo ni Tita at napatawa naman si Savion. Inalis ni Tita ang kamay niya at tumango.

"Yes, ma. I'm joking." Tita Paige measured Savion with her stares and shook her head.

"I'm gonna look for Ava. Kayong dalawa, stay away from trouble, okay?" nagtaas ng kilay si Tita Paige.

"Okay po, tita." tumango ako at ngumiti lang si Savion.

Nang makaalis na si Tita Paige ay masayang hinarap ako ng pinsan ko. She was grinning hard. "Av! Grabe! I have news for you. Dapat kanina pa kaso gusto ko sabihin sayo ng personal."

"You're pregnant?" dry na tanong ko at nagtaas pa ng kilay.

"What? No!" ngumiwi siya at parang diring-diri pa. Mabilis na nagpalit ang emosyon sa mukha niya at ngumiti ulit. "We got in. Sa OJT out of the country. Approved!"

Napauwang ang labi ko. "What? Paano?"

"Hindi ba sinabi ko naman sa'yo na aayusin ko? Plus Dad helped and used his connections." she shrugged and gave me a smug smile. "You're welcome."

"Savion..." inangat niya ang isang daliri at idinikit sa bibig ko.

"Shhh. Shhh. No need to cry." kumunot noo ko at hinawi ang kamay niya. Magsasalita pa sana ako pero mabilis na hinatak ako ni Savion at niyakap. Hinimas niya pa ang likod ng ulo ko. She murmured soothing words like she's trying to comfort me.

"Savion, you should get your brain checked." I mumbled on her shoulder and I think she laughed.

"I love you too."

The dinner started. I sat with my family and the Fajardos. The small event situated in the Fabella's living room. Wala ang kahit anong furnitures. Napalitan iyon ng mga lamesa na may magagandang table setting at design. Nagmukhang function hall sa isang hotel ang living room nila.

Denying Affinity (Affinity #1)Where stories live. Discover now