Prioritize You

77.3K 2.2K 199
                                    

Ilang araw na rin itong namamagitan sa amin ni Luke Dashiel at wala akong kahit anong reklamo doon. Nag-iingat ako sa ginagawa namin. Si Luke Dashiel ay ganoon dahil iyon ang gusto ko. I just didn't want my parents to find out. Kaya kahit kay Les ay ipinagkait ko ang impormasyon na ito. Hindi ako sigurado kung naiintindihan ni Luke Dashiel kung bakit ko ginagawa ito, basta ay ginagawa niya na lang. He told me that he didn't care about anyone else but us, and that we're okay.

Kasama namin ngayon si Luke Dashiel sa mall dahil magkasabay ang vacant namin. Iyon nga lang ay mauuna kaming pumasok dahil mas mahaba ang free time niya bago ang next class. Ang Montero ni Luke Dashiel ang dala namin dahil tinatamad mag maneho si Savion. Luke Dashiel refuses to let me drive kaya siya na ang nagdala ng sasakyan. I sat shotgun, while Savion was contented sitting at the backseat. 

Luke Dashiel was surprised when Savion first asked him to come eat with us. Bakas ang gulat sa mukha niya. Mabilis ang paglingon niya sa akin at parang nanghihingi pa ng permiso ko na sumagot at humihingi ng tulong kung anong sasabihin niya. Mas lalo pa siyang nagulat nang pumayag ako at hinatak siya sa kamay. 

Si Savion ang pumili ng makakainan namin. She chose Wendy's dahil gusto niya ng salad. Hindi na nagpalibre si Savion kay Luke Dashiel kagaya nung unang beses na nagkasama kaming tatlo sa mall. Pinagalitan ko siya. Ako nga ay ayaw kong nililibre ako ni Luke Dashiel dahil may sarili akong pera at allowance niya iyon. Kahit na sabihin pang mayaman ang pamilya ni Luke Dashiel dahil sa old money pareho ang parents niya, I still don't want to burden him with the costs. Iyon nga lang ay matigas ang ulo niya dahil hindi niya talaga ako pinagbabayad.

Pumili ako ng dish na may rice kagaya ni Luke Dashiel habang si Savion naman ay nag-order ng salad at fish and chips. I picked the seat and let the two order. Sa table na malayo mula sa ibang tao ang pinili ko. The place's not that intimate kaya mabuti na lang at wala gaanong kumakain dito.

May bitbit silang parehong tray nang bumalik sa table. Umupo si Savion sa upuan na katapat ko kaya si Luke Dashiel ang umupo sa tabi ko. Palagi iyon ang nagiging seating arragement at wala naman akong reklamo. I'm getting used to the goosebumps that's running all over my body whenever he's near me. 

Hindi naging matagal ang paghihintay na ginawa namin bago ma-serve ang pagkain. Savion's mostly the one talking. Hindi siya nauubusan ng kwento. Luke Dashiel's getting along with my cousin well. Kahit na minsan ay nahihiya pa rin siya. It was cute. 

"Hey, Av. I think we should go buy some new bikinis for tomorrow after this, huh?" pagtawag ni Savion sa atensyon ko. Napahinto ako sa pagkilos at nanigas sa kinauupuan. Inangat ko ang tingin kay Savion na malawak ang ngiti ngayon. Nang mapansin niya ang reaksyon ko ay unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha niya. 

"What's with tomorrow?" lumaglag ang panga ni Savion sa tanong ni Luke Dashiel. She must have realized her mistake because it was all over her face. Mariin na pumikit ako. I can't get mad at her for this. She didn't know.

"Uh... Ladies room lang." magaling pagdating sa ninja moves si Savion na halos hindi ko na napansin na nakaalis na siya. 

"Anong meron bukas?" inosenteng tanong ni Luke Dashiel. Iminulat ko ang mga mata at dahan-dahan siyang nilingon. Punong-puno ng pagtataka ang mukha niya. The familiar crease in between his eyebrows was present.

Huminga ako ng malalim. I should act like this is not a big deal. Because it isn't. Ako lang naman ang nagbigay ng rason para maging big deal ito dahil kilala ko si Luke Dashiel. Wala na akong magagawa. Malalaman at malalaman niya rin naman. 

"We have a group project in Production. We're supposed to film a commercial, so we're going to Olongapo... Sa isang beach 'don, we're gonna be there for two days and one night."

Denying Affinity (Affinity #1)Where stories live. Discover now