Let Him Go

70.4K 2.3K 303
                                    

Hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko ngayon. Nanatili sa isipan ko ang pangyayari kahapon. Mabigat ang dibdib ko at para akong naghihina.

The last text that Luke Dashiel sent was him wishing me goodnight. Ngayong umaga ay wala akong natanggap na text sa kanya. I feel guilty for what I did.

Iniwan ko na nga siya kahapon ay hindi ko pa sinabi sa kanya kung bakit.

Pagkagising ay nanatili lang ako sa kama at nakatulala sa ceiling habang iniisip kung ano ang sasabihin ko kay Luke Dashiel. I'm sure he's mad. Kung ako man iyon ay magagalit ako at hindi ko naman siya masisisi kung magalit siya sa akin. I wholeheartedly accept that I was the one at fault here.

Pinag-iisipan ko ng mabuti kung ite-text ko ba siya o hindi. Kung oo, ano ang sasabihin ko? Sasagutin ba niya ang text ko o hindi papansinin kagaya ng ginagawa ko sa kanya kahapon? Shit. This is hard. Bahala na.

Me:
I'm sorry.

Nakailang palit ako sa kakarampot na text na iyon. It felt wrong to explain everything in text. Hindi ko na hinintay ang reply niya at binitawan ang phone.

Tumayo ako mula sa kama para makaligo. Kung hindi ko bibitawan ang phone ko ngayon ay paniguradong hihintayin ko ang walang kasiguraduhan na pag reply ni Luke Dashiel. I'd look lovesick and pathetic. It's bad enough that I already feel like one.

Pagkalabas ng kwarto ay saktong lumabas din si Les mula sa kanya. Our rooms were slightly adjacent. Mas nauuna ang pinto sa kwarto ko kaysa sa kanya.

Avis." tinawag ako ni Les kaya hindi na muna ako lumakad at hinintay siyang makalapit. Tinaasan ko siya ng kilay at hindi na nag-abala pang magsalita. "Hinahanap ka sa akin kahapon ni Luke Dashiel, ah."

Kumunot ang noo ko. Kaya siguro siya tumigil sa pagtanong kung nasaan ako dahil tinanong niya kay Les. I tried to transfer my attention back to my sister.

"So?"

Ngumuso si Les at parang nagpapa-cute na tuta na tumingin sa akin. She's acting. Best actress talaga. "Wala..."

I don't want to keep secrets from my sister. I love her. but she has a big mouth. Kahit na hindi sinasadya ay may posibilidad na madulas siya. I know Luke Dashiel did the same dahil kung sinabi na niya sa kapatid ko ang tungkol sa aming dalawa ay 'di sana dati pa lang kinulit na ako ni Les.

Dinala ko ang sariling sasakyan at tamad na umalis ng bahay. Nakarating na ako ng campus ngtuut hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasagot ni Luke Dashiel ang text ko. He's mad at me. Natural lang na hindi niya ako replyan.

The thought made me feel worse.

Nauna akong makarating sa room kay Savion. Nang dumating siya ay
sinalubong ako ng mga mata niya na parang may hinahanap na kasagutan sa mukha ko.

"What happened?" she asked, placing her handbag on the armchair.

"What do you mean?" matamlay na tanong ko.

"Kahapon! Luke Dashiel called me. He sounded really worried tapos
hinahanap ka?"

Mas lalo ako nakaramdaman ng guilt. Talagang hinanap ako ni Luke Dashiel.

Pati si Savion ay pinagtanungan niya. Damn. That boy... Parang kinukurot ang puso ko.

Napabuntong hininga ako. "Biglang dumating si Dad sa kinakainan namin. Pumunta ng restroom si Luke Dashiel kaya hindi kami nahuli."

Kinagat ko ang ibabang labi at napailing-iling. "Muntik na yon, Savion. Imagine what could have happened kung hindi naisipan mag rest room ni Luke Dashiel. Kung nahuli kami. I panicked. that's why I left."

Denying Affinity (Affinity #1)Where stories live. Discover now