All You Want

80.7K 2.1K 202
                                    

Tahimik lang ako buong byahe at ganoon din naman si Luke Dashiel. Mula nang isakay niya ako sa sasakyan ay hindi na ako umimik.

Our fight was still fresh in my mind. My tears felt fresh too. Nahihiya ako dahil sa naging outburst ko.

"Where are you taking me?" tahimik na tanong ko.

"Sa condo." he shortly answered. I pursed my lips. I have my key with me pero bakit kami pupunta doon? Paano yung party niya? Paniguradong hahanapin siya doon.

"We should go back. Kailangan ka sa party."

"No." hindi niya ako nilingon kahit na nakatingin ako sa kanya. His jaw was clenched and his eyes were sharp and alert.

"Party mo 'yon."

Luke Dashiel's jaw ticked, throwing me an annoyed look. "You think I care?"

Damn this kid. Whatever then. Seryoso siya sa sinasabi kaya hindi na ako sumagot. Tumingin ako sa labas ng bintana at hindi na siya nilingon.

Nang makarating kami sa harap ng isang malaking building ay napakunot ang noo ko. Ngayon ko lang napansin na nasa ibang lugar kami at hindi pamilyar ang pinasukan niya.

Ihininto niya ang sasakyan sa nahanap na parking space at pinatay ang engine. Walang isang salita na lumabas siya mula sa sasakyan at pinanood ko naman siya na umikot para pagbuksan ako ng pinto.

Hindi ako lumabas at blangko na nakatingin lang sa kanya. "This isn't my building."

"Yup. It's mine." tiningnan ko lang siya at hinintay siyang magpaliwanag ng kusa. Nagbuntong hininga siya. "It's a gift from my parents. Let's go."

Kinalas niya ang seatbelt ko. Inabot niya ang kamay sa akin para alalayan ako sa pagbaba. Hindi ko iyon pinansin at bumaba mag-isa. He gave me a wounded look because of that but I just rolled my eyes at him.

Huminga muna siya ng malalim. Isinara niya ang pinto at binuksan ang nasa backseat. Kinuha niya ang pamilyar na paperbag mula doon. I eyed the paper bag and realized that it was my gift.

Nang maisara na ang pinto ay pinatunog niya ang sasakyan. Lumingon siya sa akin at inaya ako. Hindi ko na hinintay pa na abutin niya ang kamay ko at nauna nang maglakad.

Sa elevator ang tuloy ko at hindi na nag-abala pang dumaan sa lobby para mag sign in bilang bisita. Nakasunod sa akin si Luke Dashiel nang pumasok ako. Walang imik na tumingin ako sa pasarang pinto ng elevator habang ang katabi ko naman ay pinindot ang button na may number na twenty.

The elevator dinged. He stepped forward to lead the way when the door opened. Sumunod lang ako sa kanya. He stopped in front of a door and opened it with a key. Ibinukas niya iyon at pinapasok ako.

I walked in as I carefully scanned his new condo. It was spacious. Kompleto na siya sa mga gamit at mukhang mamahalin ang interior design. Neutral colors lang ang nakikita ko kaya nagmukhang mas panlalaki ang buong unit niya.

Nilingon ko ang pinto na mukhang papasok sa kwarto niya. Nang tumingin ako sa likuran ay wala na siya doon. He's by the kitchen counter. Naglabas siya ng baso at kumuha ng tubig mula sa refrigerator. Umupo ako sa couch at inilapag sa tabi ang dala-dalang sling bag.

Dinala niya ang baso na mag tubig at naglakad palapit sa akin. He handed me the glass of water and I accepted it. I was parched, anyway.

Napangalahati ko ang tubig bago ibinalik ko sa kanya ang baso. Inilapag niya iyon sa rectangular glass table na nasa harapan ng couch.

Walang nagsasalita sa amin kaya sobrang tahimik. Hindi ko magawang tumingin sa kanya kaya tinitigan ko na lang ang baso sa ibabaw ng table. Naramdaman ko ang pag galaw ng couch sa gilid ko at ang init na nanggagaling mula sa katawan niya.

Denying Affinity (Affinity #1)Where stories live. Discover now