Maybe I Could

80.4K 2.3K 85
                                    

Tatlong araw na simula nang ibinalik ni Luke Dashiel sa akin ang Volkswagen Beetle ko. Hindi ko siya nakausap o napasalamatan ng personal dahil wala na siya nang makita ko ang sasakyan.

I made my sister ask him kung magkano ang dapat bayaran. Sinabi ni Les sa akin na hindi sumagot si Luke Dashiel sa kanya at mukhang nagalit pa daw sa pagtanong niya.

I haven't seen him for three days. Remembering how I reacted over Luke Dashiel's touch leaves me blushing and cringing at the same time. It was wrong. Feeling this kind of attraction towards him was wrong... but it was there and I couldn't push it away no matter how hard I try.

Pinilit kong makinig sa professor ko sa Production na may ipinapaliwanag ngayon sa harapan. Kanina ay pinapanuod niya kami ng ilang sikat na TV commercials. Pinapaliwanag niya ang kauna-unahang project namin para sa semester. It was to be passed within two weeks, brutal but she explain that she wouldn't be uptight in giving a high grade.

Ang goal niya para sa project namin na iyon ay para makita ang knowledge namin sa subject at makita ang mga kailangan pang i-improve. Sa semester end ay makikita daw namin ang improvement dahil isa sa mga components ng final grade namin ay ang final TV commercial.

She asked to divide the class into five groups. Si Savion ang naghanap ng lima pang ka-grupo namin dahil sa aming dalawa ay siya ang social butterfly. Isinali niya si Beth na blockmate namin last year. Apat kaming babae at tatlo naman ang lalaki.

"Gusto ko sa beach ang setting natin." pangunguna ni Savion. Iyon ang condition niya para kalahati lang ang magiging bayad sa equipments na maari niyang i-provide.

"Paano?" nakabusangot ang mukha ni iba at mukhang hindi maisip ang gustong mangyari ni Savion.

"Product na may kinalaman sa summer." tipid at malamig na pag singit ko. Napatingin sila sa akin.

Tumango si Savion at ngumiti. "Summer drink? Pili na lang tayo. Parang 'Quench your thirst, summer-barkada-fun' ang magiging ng theme natin." dagdag ni Savion.

"General Manager ang pinsan ko sa isang beach resort sa Olongapo. Nakapunta na ako doon. Maganda yung resort at mismong beach."

Bago pag-usapan ang roles ng bawat member ay nag brainstorm muna sila ng posible naming gawin. Natapos ang klase at may nabuo naman na silang ideas para sa magiging flow ng commercial. Nagbigayan sila ng phone numbers at hindi na ako nakisali dahil pwede naman nila akong i-contact through Savion.

Sa labas kami ng campus kumain ngayong araw. May gustong kinakainan si Savion around the block kaya doon kami pumupunta. Iniwan niya ang kotse niya sa car park at yung akin ang ginamit namin para tipid sa gas.

"I bet we're going to be overruled to be on screen." sabi ni Savion habang nginunguya ang pagkain niya.

Sumimangot ako dahil doon. I'd rather be in the background than to be in the lime light. Lalo na at required na ngumiti at umarte kapag nasa harap ng camera. Kahit ayaw ko man ay alam kong wala akong magagawa. A good commercial needs good visual.

Habang papunta ng building ay nakasalubong namin si Kellan na may kasamang mga soccer players. Sigurado ako na teammates niya ang mga iyon dahil pare-parehas silang may suot na soccer shorts. Tanging t-shirt lang ang pinagkaiba nila.

"Hey. Look, it's Kellan." pinisil ni Savion ang braso ko. Sasabihin ko sana na nakita ko pero minabuti ko na lang na huwag nang magsalita.

Naramdaman siguro ni Kellan na may nakatingin sa kanya dahil bigla siyang lumingon sa amin. Umangat ang dalawang kilay niya, mukhang hindi inaasahan na makikita ako dito. He looked trouble for a second. Maybe he's trying to decide if it would be for the best if he'll ignore me. Nang makalapit kami ay nawala ang pagkagulo sa mukha niya at ngumiti.

Denying Affinity (Affinity #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon