Button Up

76.6K 2K 113
                                    

"So, sino ang isang behind the camera?"

Itinaas ko ang kamay ko at napangiwi silang lahat. "I'm not comfortable with smiling."

"Avis! Daya mo!" Savion pouted. Nagkibit balikat ako.

Itinanong nila, sumagot lang ako. Hindi ko naman kasalanan na mabagal silang magtaas ng kamay. Hindi talaga ako komportable. It's awkward for me who doesn't even smile a lot. Bukod kay Luke Dashiel at Savion, I don't think they've ever seen me smile.

"I raised my hand first. Sorry not sorry." malamig na sagot ko. Umirap si Savion sa akin.

Tumingin si Savion sa direksyon kung saan alam kong nakaupo si Luke Dashiel. Nagtagal ang titig niya doon kaya pati kami ay napalingon din. Nakaupo lang naman doon si Luke Dashiel sa buhangin at tahimik na umiinom ng bottled iced tea habang nakatingin sa dagat.Ibinalik ko ang tingin sa pinsan ko. Nang makita ko ang malaking ngiti sa mukha niya ay alam ko na agad ang ideya na pumasok sa mataba niyang utak.

"Luke!" sigaw ni Les.

Isang tawag lang ng pangalan ay lumingon agad si Luke Dashiel sa amin. Sa akin siya unang tumingin, umaasa na ako ang tumawag sa kanya pero nang maisip na hindi ako iyon ay inilipat niya ang mga mata sa pinsan ko.Kinumpas ni Savion ang kamay niya at malaki ang ngiti sa mga labi nang sinesenyas kay Luke Dashiel na lumapit. Kumunot ang noo ni Luke Dashiel pero sumunod din naman siya.

Tumayo siya at pinagpagan ang cut off shorts bago yumuko at abutin ang dalawang iced tea bottle. Sa akin ang isang iced tea, binigay niya sa akin iyon kanina pero hindi ko tinanggap dahil hindi ko siya pinapansin. I was pissed at him. Was. I'm still angry at the fact that he ditched school, but I don't mind talking to him anymore. Hindi na ako naiinis ngayon pero hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin siya pinapansin.

"What?" tipid na tanong niya.

Ngayon ko lang napansin ang pagkakaiba ng tono niya sa tuwing ako ang kausap mula sa tono niya tuwing ibang tao ang kausap. His tone and the way he speaks when he's talking to me was soft and calm, a little hesitant... and gentle. While the way he talks with other people was calculated. It's a blurred line between cold and disinterested. A little playful when he's really into the conversation pero bihira ko naman na makita si Luke Dashiel na may kausap na iba. Maliban sa kay Les, Savion, at yung huling naging babae niya ay wala na akong ibang nakita. I can't count the girl he was talking with at the house when he was in fourth year because he looked bored that time.

"Pwedeng ikaw na lang ang mag video sa amin?" tanong niya.

Napatiim ang bagang ko. I knew it. Damn, Savion talaga.

"Savion, ako na ang kukuha." nakasimangot na sabi ko.

"But that would be unfair for us. Tsaka better na yung makikita ka sa scene, para mas mataas ang grade mo. Tutal nandito naman si Luke."

"I think that's a great idea." sabat ng isa naming ka-grupo. Isa-isa silang nagsalita at pumayag sa suggestion ni Savion. Majority wins. I'm obviously outnumbered kaya wala akong magagawa kung hindi ang sumunod sa gusto ng nakakarami.

My cousin is an ass.

"So, what do you say, Luke?" tanong ni Savion. Kahit na hindi ko siya tiningnan ay alam kong nilingon siya ng lahat para hintayin ang magiging sagot niya.Matagal na hindi nagsalita si Luke Dashiel at halatang iniisip pa ang isasagot. Hindi ko pa rin siya tinitingnan pero ramdam ko na nakatingin siya sa akin.

"I'll do whatever Avis wants," sagot niya at umungol naman si Savion.

Nilingon ko si Luke Dashiel na seryosong nakatingin pa rin sa akin.Napabuntong hininga ako. I get my cousin's point and I can't argue with rationality.

Denying Affinity (Affinity #1)Where stories live. Discover now