Won't Approve

59.6K 1.8K 141
                                    

"What do you mean, tita?" my voice wavered a little. Takot ako na mabasag ang boses ko sa kaba kaya malumanay at mahina lang ang pagkakasabi ko.

Sumimangot si Tita Nova at bahagyang kumunot ang noo niya na parang may malalim na iniisip. "It's just that he's been so secretive lately. Marami siyang lakad na hindi ko alam. Palagi siyang umaalis. He's always texting. And I don't know... I feel like something changed."

Mabilis na nag-isip ako ng isasagot sa kanya. "He just turned eighteen, tita. I think it's just normal for his age to-"

"No," mariin na umiling siya. "This is different. Iba ang nararamdaman ko. Call it mother's intuition but I can sense it, my son's dating someone and he it's obvious that he doesn't want me to know. Itinatago niya sa akin."

Nanahimik muna ako at pinag-isipan ang maaari kong sabihin. Baka kapag masyado akong naging defensive sa pagkakaroon ng girlfriend ni Luke Dashiel ay baka lalo pa siyang magkaroon ng hinala. I'm just trying to play it safe.

Pakiramdam ko ay may nabuong tension sa paligid. Nakatingin sa akin si Tita Nova at parang may malalim na iniisip. Napalunok naman ako at unti-unting nadadagdagan ang kaba sa dibdib sa tingin na binibigay sa akin ni Tita Nova. I don't know if I'm being paranoid, kaya pati ang inosenteng pagtingin ni Tita Nova ay nabibigyan ko ng kahuluhan, o sadyang mayroon kung ano lang talaga sa mga mata niya.

I'm almost shaking right now. My chest is constricting. Kahit wala naman ay para akong pinagpapawisan sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Kahit na tumawa na si Tita Nova ay hindi pa rin ako makagalaw dahil sa takot na may mabasa siya sa bawat galaw ko.

Umiling si Tita Nova at ngumiti. "I'm sorry, am I sounding like a clingy mother? Hindi ko lang mapigilan. Luke Dashiel dating an older girl when he was in second year made a mark in my mind. I'm just worried that he's in the same situation again. It's not ideal to me. I won't approve."

Halos napasinghap ako sa sinabi ni Tita Nova. Tinitigan ko lang siya at nang hindi ako sumagot ay ipinagpatuloy niya ang pagsasalita. "How about you, Avis? Can you even imagine being in a relationship with a younger guy?"

Tiningnan ako ni Tita Nova at mukhang hinihintay ang sasabihin ko. Napauwang ang bibig ko at hindi sigurado kung ano ang isasagot sa kanya. Naalis ang titig sa akin ni Tita Nova nang biglang tumunog ang mga drums at humiyaw ang mga taong nasa paligid namin at tumayo.

"Let's go Blue Archers, let's go! Let's go Blue Archers, let's go!" sabay-sabay at paulit-ulit na sigaw ng mga tao habang masayang tumatalon naman ang ilang bangkong players na nasa bench. Masaya ang nasa parte ng bleachers na ito dahil ang University namin ang nakakuha ng unang goal.

Tumayo si Tita Nova at mukhang nabaling na ang buong atensyon niya sa field. May malaking ngiti sa mukha niya at halatang proud na proud sa sariling anak dahil parte siya ng team na nakapuntos. Hindi ko alam kung sino ang nakagawa ng puntos na iyon. Hindi ko makuhang tumayo para tingnan.

I wanted to leave. Ayaw ko nang magtagal pa dito kasama si Tita Nova. Natatakot ako na baka pilit niyang ipasagot sa akin ang tanong niya kanina. Tumayo agad ako at hinawakan ang kamay ni Tita Nova. Tumingin siya sa akin na may ngiti pa rin sa labi.

"Tita, I'm sorry but I have to go." malakas na sinabi ko para marinig niya ako mula sa malakas na hiyawan ng mga tao.

Napasimangot si Tita. "Already? But why?"

"Got an urgent text. It was nice talking to you po." ngumuso si Tita Nova pero tumango din at ngumiti sa akin. Hinatak niya ako para yakapin at napakagat naman ako sa labi ko sa kabaitan niya sa akin.

Denying Affinity (Affinity #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon