Manliligaw

70.7K 2.2K 220
                                    

I didn't thank Luke. Pagkarating sa tapat ng bahay ay inabot ko ang susi ng Volkswagen Beetle ko at walang paalam na lumabas ng kotse niya. Hindi ko matiis na makasama pa silang dalawa sa isang confined space. Kung ko lang alam na physical akong masasaktan ay baka kanina pa ako tumalon palabas ng kotse. 

I didn't like hearing them talk. I didn't like seeing them together. They were too comfortable with each other. It made me feel bitter. 

Bilang ganti kay Les ay kinuha ko ang paboritong damit niya para itago. She deserves it for scheming such thing. Mahilig talaga mag manipula si Les kahit bata pa lang siya. Sanay na ako pero hindi ibig sabihin ay gusto ko na ako ang subject for entertainment niya.

Pagkaakyat sa kwarto ay itinulog ko na lang ang paninikip na nararamdaman sa puso ko. Ayaw kong pagtuunan iyon ng pansin. Kapag pinag-isipan ko kasi ay baka hindi ko lang magustuhan ang dahilan kung bakit ganoon ang nararamdaman ko.

Sinubukan akong kulitin ni Les buong dinner pero wala ako sa mood na sakyan ang mga kalokohan niya kaya nanahimik lang ako. Tinanong ako ni Mommy kung may problema ba at tipid lang ang naging sagot ko.

Maaga akong umakyat ng kwarto, naglinis, at nagpalit ng komportableng damit pero kahit anong pikit ang gawin ko ay hindi ko magawang makatulog.

Idinilat ko ang mga mata at mabilis na inabot ang phone sa gilid ng kama. I opened my messages and tapped the new message icon.

Me:
Pick me up at our house. Monday. 2PM. -Avis

I sent it to Kellan Aguirre and  it was minutes later when I finally managed to fall asleep.

Naging mabagal ang pagtakbo ng weekends para sa akin. It was like the whole world was flipped and all of the sudden, Luke Dashiel was everywhere. Kung nung first three days ay hindi ko siya nakita, kahit saan naman ako magpunta nung Saturday ay nandoon siya. The only consolation was that the girl he was with when he picked me up was nowhere to be seen.

Pinipilit ko na huwag siyang tingnan sa tuwing magkakasalubong kami. Kapag hindi ko naman mapigilan ang sarili ay nakikita ko na mukhang hindi naman niya alam na nasa paligid lang ako.

Sinabi ko kay Savion ang tungkol sa date namin ni Kellan. She grinned widely and wiggled her eyebrows the moment I said it. "I've heard good things about Kellan. He's a nice guy. Gentleman daw. He'll be a good diversion for you."

"What do you mean?" tinaasan ko siya ng kilay at kumindat lang siya sa akin bago ako iniwan sa table para pumunta sa stall na bibilhan niya ng pagkain.

Wala pa rin ang sasakyan ko hanggang ngayon. Sinabihan ko na si Les na tanungin si Luke Dashiel tungkol doon at um-oo lang siya sa akin pero wala pa rin akong balita. Nakasabay lang ako kay Savion kaya siya rin ang naghatid sa akin sa bahay. Tinukso niya ako ng goodluck bago ipinaharurot ang sasakyan. Kahit na hindi niya na makikita ay umirap pa rin ako.

Savion is really like my sister. Yun nga lang ay siya mana sa Daddy niya, habang si Les naman ay mana sa kay Mommy. Some genes. I'm so glad I inherited my father's personality.

Naabutan ko si Les na palabas ng kitchen at may hawak na isang pint ng icecream na may kutsara na nakapasok sa loob. Umangat ang dalawang kilay niya nang makita ako. "Oh, you're early."

"I'll be going out. Just gonna change my clothes."

"Hm? Saan punta?" kinuha niya ang kutsara at sumubdo ng ice cream. Sumabay siya sa akin sa pag-akyat ng hagdan.

"With that guy from that night... Kellan Aguirre?" Huminga muna ako ng malalim bago tumango sa kapatid ko. Bahagyang napanguso siya. "Why are you dating all of a sudden?"

Denying Affinity (Affinity #1)Where stories live. Discover now