I'll Reply

74.3K 2.4K 83
                                    

My head felt like it's been hit by a wrecking ball. It was pounding. Like my door. I groaned at the massive headache that I was experiencing. One word. Hangover. I've had worse hangover than this but worse or not, it still sucks.

"Avis! Gumising ka na daw d'yan! You're late!" I heard my sister's muffled voice from the outside.

I reached for my head and tried to squeeze it in between my two hands to stop the pain but it was a useless attempt. Narinig ko ulit ang pagsigaw ni Les at mas lalong kumirot ang ulo ko sa ingay.

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata. Hindi bukas ang ilaw pero maliwanag ang buong kwarto dahil sa sikat ng araw na nanggagaling mula sa bintana ko.

Iginapang ko ang kamay sa kama para hanapin ang phone pero wala doon iyon. I didn't it in the party last night dahil ayaw kong magdala ng pouch o bag. Ang naalala ko ay iniwan ko iyon sa drawer.

Sumimangot ako at hirap na inangat ang ulo upang makita ang alarm clock sa bedside table. Napauwang ang labi ko nang makita na twenty minutes past eight na. May pasok ako ng nine o'clock.

"Shit!" napalakas ang sigaw ko kaya napatigil ako sa pagkilos. Sinapo ko ang ulo gamit ang dalawang kamay at umungol sa biglaang pagkirot.Mabilis akong naligo at nagbihis. Hindi na ako nag-abala pang maglagay ng makeup at magpatuyo ng buhok. Dumeretso na agad ako sa baba. Wala na akong balak kumain ng breakfast. Naabutan ko si Daddy sa living room. Nagtataka pa ako dahil laging maaga si Daddy sa office kaya madalas ay hindi namin siya nakakasabay ng breakfast.

Naalis ang mga mata ni Daddy mula sa papel na hawak at tumingin sa akin. Sumimangot si Daddy nang makita ako. Tumayo siya mula sa kinauupuan at mukhang hinihintay na makalapit ako sa kanya.

"Morning, Dad." bati ko at tumingkayad para mahalikan siya sa pisngi ngunit nanatiling nakasimangot si Daddy sa akin. I can tell that he's mad.

"What was that last night, Avis Magdalene?" matigas ang boses ni Daddy. Oh, he's very mad. Shit.

"Sorry, Dad. Can we do this later? I'm running late."

Kumuyom ang panga ni Daddy. "You're running late because you were irresponsible enough to even think of staying sober last night. I allowed you to go to this party regardless of your classes today because I trusted you. But then what did you do?"

"Dad..." it was a frustrated sigh. My head was aching so bad that I couldn't even reason out with him.

"At si Luke pa ang nag-uwi sa'yo dito." I stiffened. Distaste took over his face when he mentioned his name. My Dad was never comfortable with Luke Dashiel. Even when he's Maria Celestine's best friend. All because he's the son of Tito Lucas.

"Dad... Please." I tightly shut my eyes. I wasn't in the right condition to listen. Ayaw ko nang pakinggan pa ang susunod niyang sasabihin na posibleng may kinalaman kay Luke Dashiel. I just wanted to leave.

"Eros," idinilat ko ang mga mata nang marinig ang boses ni Mommy. Hindi ako umalis sa kinatatayuan at hindi rin kumilos. Inilipat ni Daddy ang tingin kay Mommy at katulad ko ay wala rin siyang sinabi. "Your daughter will be late. I'm sure she's suffering with a hangover right now and that's enough. Hayaan mo na siya."

"Vixen..." my dad sighed in resignation.

"Avis, go ahead. Baka lalo ka pang ma-late." pinihit ko ang katawan at lumapit kay Mommy para magpaalam at humalik. Tahimik na nagpaalam din ako kay Daddy bago tuluyang umalis ng bahay.

Nagpahatid ako sa driver ngayon dahil masyadong kumikirot ang ulo ko para makapagmaneho ng maayos. Hindi ko na dinala ang sariling sasakyan. Makikisabay na lang ako kay Savion sa pag-uwi. Panigurado ay galit sa akin iyon dahil hindi ako nagpaalam sa kanya kagabi. I'm already dreading the things that she'll be telling me. Nararamdaman ko nang sisigawan niya ako pagkadating. Iyon ay kung pumasok siya ngayong umaga.

Denying Affinity (Affinity #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon