Make Me Mad

93.3K 2.5K 500
                                    


"Avis!" rinig ko ang boses ni Luke Dashiel mula sa malakas na tugtog pero hindi ako huminto. Halos itinakbo ko na ang resort para lang hindi niya ako maabutan.

Nang makarating sa lobby area ay saktong bumukas ang elevator. Tatlo lang ang floors ng building pero malawak iyon kaya marami pa ring rooms.

Hindi ako naabutan ni Luke Dashiel sa elevator. Pinindot ko ang third floor. Ang gusto ko lang ngayon ay maligo at pagkatapos ay matulog.

Sa room ang deretso ko. Nang makalampas ako sa hagdan ay narinig ko ang mga hakbang ni Luke Dashiel. Tinawag niya ulit ang pangalan ko kaya binilisan at nilakihan ko lalo ang bawat hakbang.

Ipinasok ko ang susi sa door knob at mabilis na ibinukas ang pinto para makapasok. Itutulak ko pa lang pasara ang pinto ay napigilan agad iyon. Napasinghap ako nang makita si Luke Dashiel na nakahawak sa pinto.

"Avis..." his voice was pleading.

Hindi na ako nag-abala pang makipagtulakan sa kanya. Binitawan ko ang pinto at hinayaan siya sa gustong mangyari. Tumuloy ako sa paglakad sa loob ng kwarto. Inalis ko ang damit na nakatali sa bewang ko at ihinagis iyon sa tabi ng kama.

"Let's talk please,"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ayaw kitang kausapin. Why don't you go and talk to that girl?"

"Avis naman..." mahinahon na sambit niya.

"Ano? I'm mad at you and I don't want us to talk. Hindi mo na nga sinunod ang sinabi ko sayo kahapon, pati ba naman ito, Luke Dashiel?"

"I don't want this night to end with you mad at me." malungkot na sambit nito. "I don't want you mad."

"Then quit doing things that'll make me mad!" hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagsigaw. My heart was racing and I could feel the adrenaline that was rushing in my veins.

"Hindi ba sabi ko sayo, hindi ka pwede sumama? I thought we already talked about this yesterday? You went back on your words, Luke. Sinabi ko na sayo na may pasok ka bukas and I don't want you to miss your classes because of me pero itinuloy mo pa rin ang gusto mo!"

Wala akong plano na pakinggan ang sasabihin niya. This is my time to talk about my issues. I'm not asking for his explanation. I'm the one who's gonna do all the talking here. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nasasabi ang lahat-lahat.

"Ang hirap kasi sayo, hindi mo ako naiintindihan. I just don't want you to slack because of me. Ayaw kong magmukhang bad influence sa'yo. I know you want to spend time with me, and I want that too. I so badly want it that it feels insane."

"And now what? Were you trying to make me jealous?" nag-iinit ang buong mukha ko sa sobrang galit. "I told you I don't like seeing you with other girls! I hate it. God, Luke Dashiel, you don't know how badly I want to pull the hair of every girl that you've been with."

Nanatiling walang imik si Luke Dashiel at mukhang hindi alam ang isasagot sa lahat ng sinabi ko.

"Are you even really mine?" bulong ko at halos pumiyok ang boses ko sa pagsabi 'non. Mariin na pinikit ko ang mga mata at nahihirapan sa sariling nararamdaman. Kumikirot ang puso ko.

Ayaw ko nang magsalita pa. Ayaw ko rin na marinig ang maaring sagot niya. I shouldn't have gushed out like that. I've said too much.

"Avis... I don't know that girl. Wala akong pakialam sa kanila. Ikaw lang-"

Iniling ko ang ulo ko at iminulat ang mga mata. Tumigil si Luke Dashiel sa pagsasalita. He looked so unsure. Maingat ang ekspresyon sa mukha niya habang bakas naman ang pag-aalala sa mga mata niya.

Denying Affinity (Affinity #1)Where stories live. Discover now