Chapter 13: Confirmed

2.5K 75 9
                                    

Kinaumagahan, maaga akong nagising. Sa totoo lang, halos dalawa o tatlong oras ko lang naipikit yung mga mata ko.

You all know the reason why.

Pinasadahan ko ng tingin si Ice na ngayon ay nakakumot at natutulog pa sa sofa. Nakaharap siya sa direksyon ko kaya nakikita ko ang napaka- amo niyang mukha.

Bakit nga ba hindi ko na- realize agad na siya si Prince? Kung sa bagay, hindi ko naman siya gaanong natititigan ng matagal sa mata nung nagkakilala kami.

Kasi kabisadong kabisado ko yung mga matang brown ni Prince. Yung parang tinatawag ka.

Sobrang daming tanong ang nasa utak ko.

Gusto ko lang ba si Ice o Mahal ko na siya? Pano ko ba iiwasan yung pagtawag sa kanya ng Prince? Ituturing ko ba ulit siya bilang 'Ice'? Paano ko iiwasan na masaktan kapag binaggit niya ulit yung girlfriend niya? Ano kayang mangyayari sa araw na to?

At marami pang iba.

Ang dami. Pero lahat ng yan, walang sagot.

Why the am I acting and thinking like this? Hindi naman ata ako to. Pakiramdam ko ibang iba na yung way ng pag- iisip ko ngayon.

Dati, pagkagising ko sa umaga, ang iniisip ko lang e kung anong kakainin ko at minsan kung saan ako lalabas para kumain, kung paano maging pro sa Instagram, kung anong gagawin kong katamaran buong maghapon, kung paano makalusot sa mga kaibigan kong party girls.

Pero ngayon,

Unang pumapasok sa isip ko na hindi na ko mag- isang kakain at may ipagluluto na rin ako, na kasama ko sa isang bubong yung lalaking gusto ko, kung paano ako iiwas sa isang tao, kung paano ako makakaiwas sa danger na tuluyang ma- fall sa tao na yun, na best friend ko pa.

See the difference?

It's like Ice is changing me.

Love is changing me.

Pero hindi naman ata to Love.

Because love is consisted of 2 people.

Sa kasong 'to, ako lang yung nagmamahal.

Diba?

So... This isn't love.

Gumalaw si Ice kaya agad akong napaiwas ng tingin sa kanya.

Tumalikod siya mula sa direksyon ko kaya napagdesisyunan ko na ring bumaba sa kusina para magluto.

I switched the lights on.

At nagsimula na akong magluto ng chicken fillet. Nitong mga nakaraan kasing araw, puro fried eggs or hotdogs yung inuulam namin lalo na pag umaga. Kaya para maiba naman, fish fillet naman.

Nang matapos na ako sa pag- aayos ng pagkain at kung ano ano pa sa lamesa, saktong dumating si Ice.

Hindi ako umimik o pinansin man lang siya.

Starting today, hindi na dapat kami maging sobrang close. Kasi isa yun sa mga dahilan kung bakit ako naf- fall sa kanya.

At kung na- fall na nga ako, pagiwas nalang yung kaya kong gawin para mabawasan tong nararamdaman ko sa kanya.

Bakit ako umiiwas na lalong ma- fall?

Kasi mali.

Kasi may girlfriend na siya.

"Ehem." imik niya habang kumakain kami.

Tinignan ko lang siya saglit at ngumiti. Pero agad ko ring iniwas yung tingin ko.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon