Chapter 2: Red book

3.7K 87 0
                                    

Patricia's POV

Nagising ako sa pag- vibrate ng cellphone ko.

I opened it at 11:22 AM na pala. Bakit tanghali akong nagising ngayon?

One message,

From: Bea
Hey wake up sleepy head. I'm with Yanna. We're here outside your door. Naka- lock pintuan mo. Wala samin susi. Open it.

Bumangon na ako sa higaan ko para pagbuksan silang dalawa. Knowing them, they won't give up at lalo lang silang mambubulabog. Kaya sige, ako na ang susuko.

"At last!" sigaw ni Yanna at tumungo sa higaan ko.

Si Bea naman nakapamewang lang habang papasok. She's looking at me as if I've already done the biggest mistake of my boring life.

"Bakit kayo nandito?" tanong ko habang kinukusot ang mata. Hay. Kaantok.

"May kasalanan kang bruha ka." pagmamasungit sakin ni Bea.

"Ano na naman yan?" I said with an irritated tone. Lagi nalang akong may atraso sa mga 'to.

"Nagkapasa kaya sa pisngi si Ice dahil sa pagsuntok mo sa kanya kagabi." irita rin niyang sabi.

That's when everything started sinking in my mind. Oh yes. Sinuntok ko pala siya kagabi. And even poured alcohol on him. Hahaha!

"Kwits lang kami." sabi ko habang nakangiti. Naaalala ko kasi yung reaction niya. Priceless.

"He's really galit at you bes. You should apologize. Sayang din ang face nun ah." sabat ni Yanna at siniko naman siya ni Bea sa tagiliran.

"Ah." tumango-tango ako, "So ibig bang sabihin hihingi rin siya ng sorry sakin?" taas-kilay kong tanong.

"E joke lang naman kasi yung pagtapon niya ng alak sayo. Katuwaan lang." sabi ni Bea.

"Yun na nga eh, katuwaan lang. At ako yung pinagkatuwaan. Simpleng sorry lang naman yung gusto ko hindi pa mabigay." pagdadahilan ko. Totoo naman e. Mamamatay ba siya kapag sinabihan ako ng isang 'sorry'? Wow ha.

"Tss." kita mo 'tong babaeng 'to. May gusto pa ata dun sa masungit na matapobre na bwisit na lalaking yun.

"Take a bath nga." utos ni Yanna sakin.

"Maaga pa." sabi ko at humiga na ulit sa kama. Hindi naman ako uminom kagabi pero nahihilo 'ko. Ano ba 'to.

"Basta magbihis ka nalang." ani Bea.

Hindi ko sila pinansin. Aba't kahapon pa nila sinisira ang tulog ko. Abuso na rin ah. Kung may kaso lang na pwedeng isampa sa kanilang dalawa dahil sa paninira ng pagtulog, magsasampa talaga 'ko. Kainis.

"Magbibihis ka ba o sasabihin namin kay Tita Jen yung pinaggagawa mo kagabi?" nakangiting sabi ni Bea. Now she's teasing me. The hell.

"Dyan naman kayo magaling eh." I whispered.

"C'mon Bea. Let's just sumbong her to Tita." dagdag ni Yanna at sabay pa silang tumayo. Ugh. Bwiset!

"Ayan na nga!" I exclaimed at tumayo na ulit para maligo.

"Bilisan mo!" pamimilosopo ni Bea

"Demanding." sabi ko, "Sinira niyo na naman tulog ko kaya maghintay kayo dyan hanggang matapos akong maligo." at padabog na sinara yung pinto ng cr.

The DareWhere stories live. Discover now