Chapter 14: D6

2.1K 73 4
                                    

(A/N: I want to dedicate this chapter to RobertxJamesxReid :) Thank you!)

Naghilamos ako ng mukha dahil pulang pula na ang mga mata ko. Pero kahit ganun, lumabas pa rin akong cr. Wala akong pakielam kung makita nilang ganito yung mga mata ko.

Magaling naman akong magpanggap na masaya eh. :)

Naglalakad na ko papunta sa table nila Yanna kanina nang makita ko si Ice at Bea na magkatabi ulit. Hindi ko maipagkakaila na bagay sila.

"Ow gosh! Your eyes are so mapula! What happened?" tarantang sabi ni Yanna sabay lapit para paupuin ako. Kahit maarte yan, sobrang concern at maalaga din siya sakin kahit papaano.

"Wala 'to." sabi ko sabay ngiti

"E-Ehem. Uh guys, diba sabi ko sa inyo noon, pagkatapos ng dare may ia- announce ako? Well, this is it." sabi ni Bea na nakakuha ng atensyon namin.

Alam ko na yan.

Sige, para sayo Bea, makikinig ako kahit alam kong masakit.

"Ano yun?" tanong ni Lance at Yanna.

Nagkasabay sila at nagkatinginan pero agad ding nag- iwas ng tingin sa isa't isa. Anong bang problema ng mga to?

Tumingin si Bea kay Ice pero di lumilingon si Ice sa kanya. Suplado talaga.

Tumingin si Bea saming lahat at ngumiti.

"Kami na ni Ice." sabi niya.

Just like what I've expected.

Pero may isang bagay akong hindi inexpect dito. Hindi ko kasi inaasahan na magiging sila ni Ice.
Akala ko, may something na sa kanilang dalawa ni Xider.

Hindi ko rin alam kung kelan at paano naging sila.
Kelan pa naglihim samin si Bea? Hindi naman issue dun na mas matanda ng isang taon si Ice kay Bea pero nalilito lang ako kung paano nabuo yung relasyon nila.

Pero at least ngayon, hindi na ganun kasakit.

"O my gosh o my gosh o my gosh! I'm so happy for you! Bagay na bagay kayong dalawa!" tili na Yanna. Buti nalang kaonti lang ang tao dito sa kinakainan namin.

Tumingin naman si Bea sakin na parang naghihintay ng sasabihin ko.

"I'm happy for the two of you." sabi ko habang nakangiti. Tumingin din ako kay Ice. "I'm surprised. Ingatan mo yung best friend ko ha?" sabi ko sa kanya. Tinanguan niya lang ako at ngumiti na rin.

"Teka nga, paano naging kayo Ice? Kelan ka nangligaw? Bakit di ko alam?" sunod sunod na tanong ni Lance.

"Ah ganito kas--" pinutol ni Ice ang pagsasalita ni Bea.

"It's a long story." sambit niya kaya hindi na ulit nagsalita si Bea.

Ganun pala yung story nilang dalawa. Hindi ko nahalata lahat ng yun. Pero alam kong Audre Nic Guerro ay si Bea rin. Siya yung laging kachat ni Ice. Sino pa ba ang ibang icha- chat niyan diba?

"What a great story. Ang haba naman ng 'It's a long story' niyo. Hahahahahaha!" tawang tawang sabi ni Lance

Pero napatikim din siya agad nang makita na nakatingin sa kanya si Yanna.

Ano bang nangyayari sa dalawang to?

Ang weird nila, kanina pa.

Nabanggit rin ni Xider na dapat ay graduate na siya ngayon. At kasing edad ko lang pala siya. So ang pinakabata samin ay si Bea.

"E kayo tol, kelan aamin?" mapanuksong tanong ni Xider kay Lance at Yanna

"Wala naman kaming dapat aminin." sabay na sambit nung dalawa (Yanna & Lance)

"Ano ba yan, hanggang sa pagsasalita at pag-iisip ba parehas rin kayo? Nux, Destiny. Hahahaha!" panunukso ulit ni Xider kaya binatukan na siya ni Lance na medyo nagpatawa sakin.

Ngayon ko lang din napansin na nagtatawanan na rin para yung couple.

Kung magsalita ako parang hindi nasasaktan e hano?

Syempre, magaling nga kasi akong magpanggap na masaya. Pero ngayon, dapat na lang talaga kong maging masaya para sa kanila ng best friend ko.

"Nga pala, nabanggit sakin ni Ice na si Patricia pala si Princess. Ang galing tlaga ni tadhana." panimula ulit ni Xider

"Woah. Talaga? Akalain mo? Magkaaway lang kayo nun ah?" paninumula ulit ni Lance. Alam nga pala nila yun.

"Anong Princess?" tanong ni Bea

"Siya yung best friend ko nung bata pa ko. Princess ang tawag ko sa kanya. Neto ko lang nalaman baby." sabi ni Ice at ngumiti sa akin

Si Bea naman, ngumiti lang rin kay Ice.

May kakaiba sa ngiti nilang dalawa.

Sana walang magbago sa friendship namin ni Bea. Kaya tama lang talaga na itigil ko na 'tong nararamdaman ko kasi hindi lang ako yung masasaktan. Baka makasakit pa ko.

"Alam niyo guys? We should make a group."  sabi ni Yanna

"Anong group?" tanong ko para naman makasali sa kanila

"You know, parang squad name ganun. Tutal, friends na rin naman tayong lahat ngayon kahit sa asaran at ibol lang tayo nagsimula diba?" -Yanna

"Ah alam ko na! D6 nalang!" masiglang sabi ni Xider

Sobrang hyper niya talaga.

"Bakit D6?" tanong ni Ice

"It stands for Dare 6. Dare, dahil kaya lang naman tayo naging close ay dahil sa isang dare. 6, dahil anim tayo. Oh diba?" -Xider

"Nice name. Okay guys, mark this day, July 30, 2015. D6, grupo ng mga magagandang lahi." sabi ni Lance na nagpangiti kay Yanna.

Akala niya di ko nakita yun ah.

"Tara na at baka gabihin pa tayo sa daan." sabi ni Bea at hinila na si Ice palabas. Sumunod na rin si Yanna at Lance.

Susunod na rin sana ko sa kanila pero napahinto ako dahil nagsalita si Xider na nakatabi na sakin ngayon,

"Ayaw mo pa kasing aminin eh, ayan tuloy, nasasaktan ka."

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon