Chapter 4: Napkin

3.1K 86 1
                                    

Patricia's POV

Habang nasa biyahe, wala akong ibang maisip kundi dare na 'to. Joke. Yung menudo tapos bread roll talaga yung iniisip ko.

Pero 'eto seryoso, di ako makalingon kay Yelo. Hindi ko rin alam kung bakit. Nasa likuran ko kasi siya.

Lord, ano bang plano mo? Bakit po ako nandito sa loob ng van na 'to, bakit ako may kasamang walking and talking Ice, at paki-paalala naman po sakin kung paano ako naipasok sa ganitong laro nung dalawa kong bruhang kaibigan.


-

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa ganung posisyon. Nakasandal yung mukha ko sa bintana habang nakanganga. Ugh. Kangawit sa panga.

Atsaka ko lang din napansin na nakahinto na pala yung sasakyan. . . Nakatapat kami sa isang simpleng bahay na kulay puti.

Unti-unti akong lumingon sa likuran ko at napa-buntong-hininga nalang nang makita kong wala na si Yelo dun. Teka, wala na siya?!

"Ma'am, baba na po kayo. Kanina pa po nasa loob si Sir Ice. Naibaba ko na po lahat ng gamit niyo, kailangan ko na rin po kasing umalis dahil baka gabihin ako sa daan. Delikado na rin po." halos mapatalon ako sa gulat nung magsalita yung driver dun sa nakababang bintana.

Napahawak pa 'ko sa dibdib ko. Putek. Reporter ba 'to? Bilis magsalita e. Atsaka mas mukhang matanda nga siya sakin kung tutuusin pero ino-opo ako.

Isama pa natin yung fact na wala talagang puso yung Yelo na yun. Malamig na nga yung pangalan, dinamay pa pati puso. Bwisit. Di man lang ako ginising.

"Payo lang Kuya, 'wag ka muna umuwi. Dumiretso ka na sa station ng ABS-CBN. Tanggap na tanggap ka dun." sabi ko sabay ngiti. Ngiting punong-puno ng ampalaya. In short, ngiting mapait. "Salamat sa panggugulat." dagdag ko pa.

Bumaba na ako at naglakad papasok sa bakuran ng bahay ni Xider. Mayaman pala yung bolerong 'yon.

Habang hinahanap si Yelo, inikot ko na rin yung kabuuan ng bahay. Maganda siya at kumpleto sa mga gamit.

Sa sala, may brown set ng sofa at white throw pillows. May isa ring mini table doon kung saan nakalapag ang isang laptop at router.

Umakyat ako sa itaas at pumasok sa isang kwarto doon. Buti may banyo at ihing ihi na 'ko.

Pumasok ako dun at agad na umupo sa bowl. Haaay, finally.

Nang medyo naitaas ko na ang panty ko, biglang bumukas yung kurtina sa gawing shower at trentay uno bente syete!

"What the fck!" sigaw niya dahilan para uminit na naman ang ulo ko.

Inayos ko kaagad yung pang-ibaba ko atsaka siya binato nung tissue. Letcheng talaga 'tong lalaking 'to kahit kelan! Nakakakulo ng dugo!

Buti nalang talaga medyo nakataas na yung panty ko kundi mapapatay ko 'to. Pero kahit na! Papatayin ko pa rin siya! Kung bakit kasi hindi nagla-lock ng pintuan, bwisit!

"What the heck are you doing here?!" sigaw niya ulit sakin kaya sumigaw na rin ako, "Umiihi po kasi ako eh!" sarkastiko kong sabi.

Sumigaw siya, sumigaw ako, sigawan together para happy. Yun ang gusto niya eh.

"And can't you see? Naliligo ako!" aniya.

Sisigaw sana ulit ako nang dumapo yung mata ko sa tyan niya. And it's not plain. May abs si Yelo.

Geez. It's hot— Okay, syete. Burahin niyo na sa utak niyo yung sinabi ko.

Nabalik lang ako sa katinuan nung tumawa siya sabay sabing, "Kulit mo talaga."

I gulped. What am I still doing here?

Agad-agad akong tumalikod at akmang aalis na pero for the first time, "Pat." tinawag niya ang pangalan ko.

I stopped at hinintay siyang magsalita,

"What's that color red on your pants?" tanong niya. Bastos talaga 'tong lalaking 'to.

Pero teka, ano daw? Color red?

Oh my gahd. Naka-faded jeans pa naman ako. Ugh! Bad timing.

Talagang hindi na 'ko makakalingon sa kanya dahil sobrang kahihiyan.

"Now I get it. Kaya naman pala masungit e. Red alert." aniya at lumabas na habang nakaismid.

Padabog kong sinarado yung pinto atsaka nag-lock. Hinalughog ko yung buong cr pati na rin dun sa shower area pero wala.

"Ugh, walang napkin! Bwisit talaga!" malakas kong sigaw dala ng inis at biglang may kumatok sa pinto. Sino pa ba? Edi si Yelo.

"What's your prob? Napakaingay mo." aniya.

Okay, This is it. I-set aside muna ang galit at pagkakapahiya Patricia. Ngayon lang ''to.

"Uh. . ." syet, hindi ko masabi. "Uh, ano kasi. . ." paano ba kasi simulan? Ugh.

"Sasabihin mo ba o sisipain ko pa 'tong pinto?" irita niyang sambit. Edi sipain mo. Hindi ko naman bahay 'to eh.

Sabi ng i-set aside e!

"INeedNapkinBecauseI'mOnMyPeriod." dire- diretso kong sabi at napatakip pa sa mukha dahil nakakahiya talaga.

"Napkin?" tanong niya.

"Uh, yes. I really really need it." sabi ko.

"K." sabi niya at agad kong narinig ang tapak niya sa sahig na paalis na. Pati yung ingay nung space rocket. Bibili siya ng napkin sa Neptune.

Joke lang. 'Wag tayong shunga.

Hindi nagtagal, kumatok ulit siya at agad kong binuksan yung pinto. Pero yung kamay lang yung dinungaw ko at inabot niya naman sakin yung isang malaking paper bag.

Sinilip ko yung laman, at putek, may Modess na nga, may Sisters pa, Carefree, at 'eto. . . Diaper. Hahahaha! Bakit may ganito dito?

"B-Bakit may diaper dito?" tanong ko sa kanya habang pinipigilang tumawa.

"I don't know what you need kaya kinuha ko na lahat." sagot niya.

"Saan mo ba 'to kinuha?"

"Sa kabilang kwarto. Sa kwarto mo." aniya.

Ah ganon. Ano bang akala sakin nila Bea? Mabubuntis sa isang oras at mangangak sa isang buwan? Bakit bumili pa sila ng diaper? Mga pamwiset talaga.

"Ah." wala akong masabi. Gusto ko lang makita yung dalawa kong bwisit na kaibigan tapos isuot sa kanila 'tong diaper na 'to. EQ pa. Leche.

"Bilisan mo dyan. You'll cook." sabay sarado ng pintuan ng cr. Kpayn. Bossy.

Pagkatapos kong maglinis ng katawan, ginamit ko muna yung bathrobe na nakalagay sa cabinet dito sa cr niya atsaka lumipat dun sa kabilang kwarto para makapag-bihis.

Good thing na puro matitinong damit ang inilagay nung dalawa kong kaibigan sa maleta ko kundi magkakamatayan na talaga kami.

Habang nagsusuot ng pajama at tee shirt, nag-iisip na rin ako kung ano bang pwedeng lutuin.

Then I saw this yellow chicken stuffed toy na nakalagay sa tabi ng kamang tutulugan ko.

Now I know what to cook.




-

Si Bea po sa MS. ^/>

simplyponchiie

The DareWhere stories live. Discover now