Chapter 26: I'm leaving

2.2K 80 12
                                    

Patricia's POV

"Pa, Ma... I'll accept the offer from France." sabi ko sa kalagitnaan ng pagkain namin. Kakauwi lang ng mga magulang ko galing Palawan. Doon sila nagbakasyon. Maga- apat na araw na rin matapos kaming lumibot ni Xider sa EK. That day was just so amazing. Kahit ilang oras lang yung nilagi ko don, napalitan ng saya yung lungkot na nararamdaman ko. Thanks to Xider.

"Anak. Sigurado ka ba?" tanong ni Mama

"Yes Ma." sabi ko. Magsasalita pa sana si Mama pero pinigilan na siya ni Papa.

Napabunting hininga nalang si Mama.

"That's a good decision. Let's just support our daughter. I know this is her dream." sabi ni Papa na nagpangiti sa akin.

Yes. This is my dream. After all, kailangan ko rin namang magpakalayo- layo muna. Pagkatapos nung mga nangyari, sariwa pa rin sakin yung sugat. Nakakatawa no? Kasi hindi naman naging kami pero ang sakit sakit. Inaamin kong may kasalanan ako, pero may kasalanan din naman siya dahil

Nagbigay siya ng motibo para mahalin ko.

I'm going to France. 2 days from now.

Pinayagan ko na rin si Xider na sumama kasi alam ko namang hindi rin magpapapigil yun sa pagsunod sa akin. Nung araw na inamin niya na gusto niya ko, shempre nagulat ako. Pero ewan ko ba dahil masaya ako at the same time.. Siguro dahil kahit papano, meron pa ring nagmamahal sakin. Hindi lang pamilya kundi pati mga kaibigan. Speaking of friends, hindi pa alam nila Yanna na aalis na ko. Mahirap magpaalam eh. Kaya sabi ni Xider, siya na daw ang bahalang magsabi kila Yanna. Nagpunta na rin dito si Xider at sinabi kila Mama na siya ang makakasama ko sa abroad. Hindi man kapanipaniwala, ay pumayag yung mga magulang ko.

***

Mabilis na lumipas ang araw. At aalis na kami bukas ni Xider. Sasabay na daw siya sakin. At talagang inapura niya pa yung pagpapasa ng requirements. -___- abnormal talaga.

I'm now packing my things.

Isinarado ko ang pintuan ng kwarto ko. Dahil dinig na dinig ko mula sito ang pag- aaway ng mga magulang ko.

Pinagaawayan nila yung tungkol sa pag- alis ko. Sorry Ma, pero kailangan ko po munang lumayo. At isa pa, babalik pa naman po ako eh. Sa tamang panahon.

Nag- text na rin sakin kanina si Xider na on the way na siya sa place kung saan sina magtatagpo nila Yanna. At ngayon, ring na rin ng ring yung cellphone ko. Alam ko namang sila yang nagte- text at tumatawag eh. Ayaw ko lang talagang tignan at sagutin dahil baka magbago pa yung isip ko. Ang bigat sa pakiramdam na umalis, pero kailangan. Hindi lang para makalimot kundi para na rin maabot ko yung pangarap ko.

Pagkatapos kong ayusin yung mga gamit ko, humiga ako sa malambot kong kama. Tumunog na naman yung cellphone ko kaya napagdesisyunan ko na na basahin yung mga text at tignan kung sino yung mga tumawag kanina.

From: Yanna
Bes! Ano ka ba naman! Pinapaiyak mo ko eh. Wag ka na umalis! You're so kaasar! :'( grabe. Kung sakali man na aalis ka na nga talaga, don't forget me okay? Andito lang ako lagi para sayo. Ikaw na lukreng ka, magtino ka dun ah! Lagi tayong magi- skype. That's not a request but a Command. K? Mami- miss kita Pat :( Sana mahanap mo na yung happiness mo doon. I love you always best friend.

Tae. Pipigilan pa ata ako neto sa pag- alis eh. Nag- reply na lang ako agad dahil baka magtampo pa sakin si Yanna.

From: Lance
Hoy kulit. Mag- ingat ka dun ah? I mean kayo hehe. Di niyo man lang sinabi agad para nakapag- bonding man lang tayo kahit isang araw. Don't worry about Yanna okay? Akong bahala sa best friend mo. Just be happy there. I will miss you best friend.

The DareWhere stories live. Discover now