Chapter 35: I quit

1.9K 64 9
                                    

Ice's POV

Pagkalabas ko ng bahay nila Pat,

Sumakay ako sa kotse na nasa tapat lang din ng bahay nila Pat. Nag- drive ako papunta sa isang playground. Para akong bata no?

Umupo ako sa isang bench.

Ano na bang gagawin ko?

Sawang- sawa na ako sa mga utos ni Dad. Tatlong araw nalang kami dito... Tatlong araw nalang at hindi ko na naman siya makikita.

Sakal na sakal na ako.

Sa mga utos ng tatay ko.

Ultimo yung nanay ko ayaw akong tulungan.

At sa relasyon na hindi ko naman talaga gusto.

Hindi ko magawa yung mga bagay na gusto ko. Hindi ako makapag- desisyon mag- isa. Hindi ko man lang maipaglaban yung nararamdaman ko para sa taong mahal ko. Tama na siguro yung ilang taon na pagpapatali.

Ayoko na.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at dinial ang number niya...

"So, how's your vacation with your fiancé." he said playfully right after answering the call.

Nainis agad ako sa bungad niya sakin.

"Ayoko na Dad." mariin kong sabi

Dahil tuwing naririnig ko ang boses ng tatay ko, naaalala ko kung paano niya ako tinali sa babaeng hindi ko naman mahal. Sa buhay na ayoko.

"You know you can't." sumeryoso ang boses niya.

"Well you can't do anything now. 'Coz I'm with her. Hindi ko na kasalanan kung bakit pumayag kang pumunta ako dito sa Paris." sabi ko

"What do you mean?" nagtatakang tanong niya

"Nandito yung kababata ko Dad."

"What?!" sigaw niya sa kabilang linya

"Sorry Dad, but I just really can't stand it anymore." I seriously said.

"Hahayaan mo akong malaglag?" tanong niya

Sa dinami- raming beses na sinabi niya yan sakin,  ngayon lang ata nawalan ng epekto.

Hindi na ako dapat maawa sa kanya.

Sa sarili ko dapat ako maawa.

"I can't believe you. Hahayaan mong bumagsak ang sarili mong ama." sabi niya with an amusing tone.

What a total shit.

Napipikon na ko.

"I also can't believe you Dad. Ikaw mismo ang nagtali sa sarili mong anak sa buhay na hindi naman niya gusto." seryoso kong sabi

He smirked.

"Don't call me Dad."

Awkward silence.

Okay fine.

"From now on, you're not my son... I don't have a son."

The DareWhere stories live. Discover now