Chapter 6: Fb Messages

2.7K 76 0
                                    

Alas singko na ng madaling araw. Paputol- putol ang tulog ko. Kainis. Hindi na rin naman ako makatulog kaya bumangon na 'ko.

I even knocked Ice's door pero malamang tulog pa siya dahil walang nagbukas.

Kumirot pa yung sigat ko. Nakalimutan ko, meron nga pala. Sana ganito nalang lagi. Kung alin yung masakit, yun yung makakalimutan. Hahaha! May connect ba? Nvm na nga lang.

Bumaba na ako para magtimpla ng kape. Madilim pa rin kasi at wala pang sinag ng araw.

Pero teka, bakit bukas yung ilaw sa kusina?

Sumilip ako roon at. . . at. . . may tao! Omaygad omaygad. Anong gagawin ko?!

Kinuha ko kaagad ang walis na una kong nakita na nasa gilid lang at unti-unting lumapit dun sa tao. Paano siya nakapasok dito?!

"Hoy! Sino ka ha—" sigaw ko habang nakaamba pero napatigil din nang makita ko kung sino siya. Of course, the walking Ice.

I sighed in relief.

"Jusmiyo Ice. Kinabahan ako sayo, akala ko kung sino na." sabi ko at humawak pa sa dibdib. Umo-OA na nga ata talaga 'ko.

Hindi siya kumibo at lumipat ang tingin niya sa kamay kong ngayon ay nagtitimpla na ng kape.

"How's your hand?" he asked.

"Okay na 'to." I answered him at pilit na ngumiti. Ang sinungaling ko talaga. Hehe. Masakit pa kaya.

"Sa susunod nga mag-iingat ka." mariin niyang sabi at parang naiirita. Bumalik na naman ata siya sa pagka-masungit.

"Oo na. Para hindi ko na ulit maistorbo ang tulog mo." biro ko. Ewan ko nga ba kung biro yun dahil wala namang nakakatawa.

"That's not my point Patricia." aniya.

"Oo na. Nga pala, hindi pa ba tayo kino-contact nila Bea?" tanong ko at humigop na ng kape. Sobrang init. Parang ako. Sobrang hot. Hahaha! Joke.

"We have no cellphones?" patanong niya sabi na para bang ang tanga-tanga ko. One time lang, pagbigyan niyo 'ko at sosoplakin ko siya.

"Yeah, but we have a laptop and pocket wifi." I rolled my eyes, "Wait I'll just open my fb account." sabi ko at pumunta na sa sala dala ang kapeng tinimpla ko.

Maya-maya ay sumunod din si Ice na umupo sa likuran ko. Nakasalampak kasi ako sa sahig.

78 friend requests. 36 messages. 456 notifications.

Yan ang bumungad sakin. Di ko muna pinakealaman yung friend requests and I just archived those messages that's not so important.

From: Yan James Scott
Hey Patricia. I miss you! Hope to see ya soon. Take care okay? I love you. :)

Kapatid yan ni Yanna. Mas matanda lang kami ng isang taon sa kanya. Hahahaha crush daw ako niyan sabi ng ate niya. It's obvious though.

"Who's that?" tanong ni Ice sa likod ko. Ang bango niya. Amoy na amoy ko kahit hindi kami ganun kalapit.

"Yanna's brother. Scott remember?" sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya.

"Ah. . . Kayo?" agad akong napalingon dahil sa sinabi niya. Sa reaction niya, gusto kong gumamit ng malaking speaker at i-play yung Poker face by Lady Gaga.

Bumabalik na nga talaga siya sa pagiging masungit. May expiration date pala yung kabaitan niya. Sayang naman. Magiging mabait na rin sana 'ko ng tuluyan e.

"Seryoso ka? Hindi no." simple kong sagot at binalik na ulit yung tingin sa desktop.

"Eh bakit siya naga-i love you sayo?" tanong ulit niya. Bakit ba ang curious nitong mokong na 'to?

"Crush niya daw ako e. Sabi ni Yanna." tatawa pa sana 'ko kaso nagtanong na siya kaagad, "Do you like him?" he asked.

"Of course." I smiled, "As a friend."

To: Yan James Scott
Ow hi James! I miss you too. See you soon. :)

"Bakit ka pa nagreply?" aniya.

"Ang sama ko naman kung is-seen ko diba?" I said.

"Kaya mo binuksan yang laptop para kausapin yung apat. Hindi para magreply sa ibang tao." pagsusungit niya. Bwisit na 'to. Mister Sungit.

"Hindi ibang tao si James." I stated. Baka sakaling humaba pa ang usapan to the point na mainis ko siya sa kakulitan ko. Haha!

"So kayo nga?" ugh. Paulit-ulit?

"Hindi nga. Hindi ako nagbo-boypren. Nasobrahan ako sa pagkabrutal kaya walang nagtatangkang manligaw." sabi ko.

"Magkakaroon na ring magtatangka." may binulong siya kaso hindi ko narinig, "Ano?" tanong ko. Baka kasi minumura na 'ko nang palihim nito e.

"I said, just message them." sabi niya kaya minessage ko nalang si Bea at Yanna at tinanong kung kelan kami padadalan ng cellphone dito at para pakiusapan na rin na payagan na kaming umuwi.

"My turn." sabi ni Ice sa likod ko kaya nagpalit na kami ng pwesto. He even told me to close my eyes para hindi ko makita yung password niya.

Psh. As if I care. . . Ugh. Okay. Maybe just a little.

Nung nakapagbukas na siya, aba. Peymus pala ang yelo. Ang daming friend requests at notifications pero inuna niyang buksan ang messages. At nakita ko ang pangalang Audrey Nic Guerro.

Pasimple kong binabasa yung message nung babae,

From: Audrey Nic Guerro
Hi baby Ice! I miss you so much! Take care always okay? I love you baby.

To: Audrey Nic Guerro
Okay baby. I miss you too. Mag- ingat ka rin diyan lagi, I love you more and most.

Nang nabasa ko ang tina- type ni Ice, I have this weird kind of feeling. Para akong naiinis sa kanya at sa kung sino mang Audrey yun.

Ugh. Erase that.

Nako-kornihan lang ako sa kanila. Yes. Yun 'yon.

At isa pa, imposibleng magkagusto ako diyan. E lagi nga kaming nag-aasaran niyan e, tsaka gwapo lang naman siya pero masungit.

Ah!!!

Mukha ba 'kong ninenerbyos? Jusme. Baka ito yung sinasabi nilang, 'Wag nagkakape dahil nakakanerbyos.'

Bago niya pa makita kung anong sagwa ng expression ko ay tumayo na 'ko para magluto sa kusina.

"Sa kusina lang ako. Magluluto." I said.

Pero hindi man lang niya 'ko tinanguan o sinagot man lang. Bwisit na 'to. Magsama nga sila ng Nicole na yun! May pangiti-ngiti pang nalalaman oh.

Landi!

Nakahinga ako ng maluwag pagkapasok sa kusina. Bakit ba 'ko nakakaramdam ng ganito?! Syet.




-

Picture of Lance Flores sa taas/right side.

simplyponchiie

The DareWhere stories live. Discover now