Chapter 25: Torpe's Confession

2.1K 75 6
                                    

Xider's POV

"I just want to leave... Leave this place... Leave this county. Because I'm so damn tired."

Sa sinabi niyang yan, parang tumigil ang mundo ko. Hindi ko alam pero kusang lumapit ang mga paa ko papunta sa kanya. Pati yung mga braso ko kusang niyakap siya.

"Don't." yan nalang ang lumabas sa bibig ko.

Sa sandaling pagkakakilala namin ni Patricia, pakiramdam ko hindi buo yung araw ko kapag hindi ko man lang siya nakikita o nakakausap. Paano pa kaya kapag umalis siya?

"I need to Xider." sabi niya at niyakap na rin ako nang mahigpit.

"Sige, kung yan ang gusto mo. Pero eto ang tatandaan mo. Susundan kita kahit saan ka magpunta. Kahit saan pa man yan..." bulong ko sa tenga niya.

Seryoso ako.

Hindi ko inakalang magiging ganito ako kaseryoso pagdating sa pag- ibig. Pero wala eh, dumating si Patricia sa buhay ko kaya eto ako ngayon, nagseseryoso. Alam ko ring maliit lang ang chance o baka nga walang chance na maibalik sakin yung pagmamahal na binibigay ko ngayon. Alam kong walang kasiguraduhan. Pero ganun naman talaga diba? Ganun talaga siguro kapag nagmamahal.

"Hindi mo naman na ko kailangan pang gabayan. Lagi ka nalang nandiyan para sakin, siguro kailangan ko ring tumayo na ako lang." sagot niya

Alam ko namang kakayanin mong mag- isa ka lang. Shempre, amazona ka eh. Pero alam naman natin na malungkot maging mag- isa.

Sa mga nangyayari ngayon, sa ginawang pagpili ni Ice kay Bea kaysa kay Patricia. Hindi ko na talaga kayang pigilan yung sarili ko. At tulad ng ipinangako ko, sa oras na makita ko ulit na umiyak o nasasaktan si Patricia dahil sa kanya, kikilos na ko.

I know this is not yet the right time. But I really can't take it anymore.

"Listen, I need to tell you something..." bulong ko at kumalas na ako sa yakap naming dalawa.

Tinignan ko siya ng diretso sa mga mata at yung kaonting luha na tumulo sa mga mata niya ay pinunasan ko. Ayokong nakikitang nasasaktan siya. Masakit.

"I know this is not the right time to tell you this... but please Patricia, just let me be by your side always. Kahit saan ka pa man magpunta." sabi ko sa kanya

Bakas sa mukha niya ang lungkot at pagtataka at the same time. Hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Each and every day na nakakasama kita, I'm very thankful. Nagpapasalamat ako sa Diyos na nakilala ko yung isang katulad mo. Nagpapasalamat ako na dumating ka sa buhay ko. Alam ko na sa mga oras na 'to naguguluhan ka sa mga sinasabi ko at nasasaktan sa mga nangyari at the same time. Alam ko rin na kaibigan lang yung tingin mo sakin Patricia. Pero ako? Simula nung dumating ka, wala eh. Tinamaan ako sayo. Nakakabakla mang aminin pero..." tinignan ko ulit ang mga mata niyang magaganda. Naghihintay lang siya sa susunod ko pang sasabihin.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Pero, mahal na kita." nanlaki ang mga mata niya nang sinabi ko yan. Hinihintay ko ang sasabihin niya pero hindi muna siya nagsalita. Alam kong gulat na gulat talaga siya.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon