Chapter 11: Unexpected

2.4K 78 0
                                    

Dalawang araw na mula nang gumaling si Ice. Kahit na masama yung loob ko sa kanya dun sa nangyari, inalagaan ko pa rin naman siya at binalewala ko nalang yung nangyari dahil mukhang hindi naman niya namalayan na hinalikan niya ako nun.

Sa katunayan, 1 week nalang ang natitira at matatapos na 'tong dare na binigay samin nila Yanna, Bea, Xider, at Lance.

Nabanggit na din sakin ni Bea sa chat na sila mismo ang susundo samin dito. Nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ang pagbukas ko ng fb acc ko at araw araw din akong nakakatanggap ng message kay Xider. Ewan ko ba, mabait din pala yung bolerong yun. Masarap kausap lalo na kapag naiinip ako dito.

Umiinom ako ngayon ng juice dito sa kusina. Excited na kong makita yung mga bruha kong best friend. Sobrang miss ko na sila kahit lagi nila kong pinapasok sa mga ganitong kalokohan.

Kung tatanungin niyo kung kumusta kami ni Ice.

Eto ganun pa rin. 1 linggo niya na akong tinuturing na parang hangin lang dito.

Tuwing kakain kami, lagi siyang pumupunta sa sala. At kapag nakikita naman niya kong nakashorts, iniirapan lang niya ko. Dun pa rin ako natutulog sa kwarto niya, at lagi na niya akong nauunahan ngayon sa sofa kaya lagi ako dun natutulog sa kama. Sobrang sungit niya sakin. Parang babae e nuh? But I'm still wondering kung bakit bigla siyang naging cold sakin. Kausapin ko kaya siya?

Ibinaba ko ang baso ng juice na iniinom ko at huminga ng malalim. Hindi ko siya nakita sa sala kaya naisipan kong umakyat sa kwarto namin. Este kwarto niya. At hindi nga ako nagkamali, nakahiga na siya sa sofa ngayon. Nakabukas kasi ang pinto kaya nakita ko siya kaagad. 8:49 PM na rin kasi kaya baka matutulog na to. Pero kailangan ko siyang kausapin.

Nang namalayan niyang pumasok ako sa kwarto ay tumalikod siya sakin. Bale, dun siya nakaharap sa likuran ng sofa.

"Ice. You awake?" tanong ko kahit alam ko namang oo.

"What do you need?" malamig niyang tanong

"I'm just wondering, it's been 1 week now that you're not talking to me. Is there a problem?" tanong ko

"Why would I be mad?" pabalik niyang tanong

"I don't know. Bakit ba ang cold mo sakin?" tanong ko ulit pero di siya kumibo

Lumapit ako ng bahagya sa kanya at nagsalita ulit

"Ice?" -ako

Nagulat ako nang bigla siyang umupo sa sofa at hinarap ako kaya napakaatras ako ng di oras.

"Totoo ba?" tanong niya.

"Ang alin?" pabalik kong tanong

"Totoo ba Patricia?" mariin niya sabi. Kinakabahan nanaman ako. Ano bang sinasabi niya?

"Ang alin ba Ice?" binanggit ko na rin ang pangalan niya

"Totoo ba na ikaw siya?" huh? Ano daw? Di ko gets!

"Hindi kita maintindihan Ice." --ako

Ano ba kasing sinasabi niya?

"Wag ka na magpatay malisya pa."

Hindi kita gets okay?

"Pwede bang paki- explain muna?" sabi ko.

Huminga muna siya ng malalim.

"Nung nahimatay ka, nanaginip ka nun. At may binanggit kang pangalan diba?" tanong niya.

"Oo, si Prince. Bakit ba?" tanong ko, kilala niya ba si Prince?

"Kaano ano mo siya?" tanong ulit niya

"Best friend. Teka, bat mo ba tinatanong pa yun?" ---ako

"Sagutin mo muna lahat ng tanong ko. Asan siya ngayon?" ---Ice

The DareWhere stories live. Discover now