Chapter 41: Lines

1.8K 63 23
                                    

Patricia's POV

"I'll be back in 1 week okay? Tatawagan nalang kita pag nakarating na 'ko dun."

Nakakainis naman. Nakakailang araw palang mula nung makabalik kami dito sa Pilipinas tapos may business meeting na siya agad sa Hongkong. Isang linggo akong lonely dito sa bahay. Wala pa naman sila Mama.

"Hey.. wag ka nang malungkot. Babalik naman ako eh." nakangiting sabi niya sakin

"Okay. Basta mag- iingat ka dun ha? Nako. Subukan mong mambabae at iuurong ko yung kasal natin." pagbibiro ko just to change the mood.

"Opo promise. Sige na baby girl, baka mahuli pa 'ko sa flight ko. Magl- lock ka lagi ng bahay ha? Wala ka pa namang kasama dito." sabi niya

"Oo na."

"I love you." he said

"I love you too. Osiya sige, punta na. Baka magbago pa isip ko at di na kita paalisin." pagbibiro ko ulit

"Hahaha! Sige ba- bye na. Lock mo agad 'tong gate." bilin niya atsaka ako hinalikan sa pisngi bago lumabas at sumakay sa kotse niya.

Hinintay ko munang makaalis siya bago pumasok ng bahay. Hay, nakakabagot. Wala man lang makausap dito.

8:30 na ng umaga at pumunta talaga dito si Xider para magpaalam. Ayaw niya namang ihatid ko siya sa airport dahil baka hindi na siya tumuloy. Abnormal talaga.

I dialed Yanna's number. Sana lang hindi siya busy sa mga oras na 'to.

Ringing...

[Hello? Diyosa speaking.] sabi niya sa kabilng linya

"Lukreng. Busy ka ba?" tanong ko

[Hindi naman. May 7 photo shoots, 2 programs, at 5 dinner meeting lang naman ako ngayon.] sarkastiko niyang sabi

"Tss. Osige ba- bye na garod." sabi ko

[Wait, bat ka ba kasi tumawag? Aga pa ah?] tanong niya

"Walang makausap. Kakaalis lang ni Xider papuntang Hongkong eh."

[Aww. Wawa naman hahaha! Just kidding. Sige I'll hang up na. Bye beshui. I miss you!]

"I miss you too. Bye." I said at pinatay na rin niya ang tawag.

Dumiretso ako sa kusina para mag- prepare ng tacos at ice cream. Nakakagutom.

Kumuha na rin ako ng ponkan at iodized salt. Ang weird no? Ewan ko ba, pero I always find it delicious.

Umupo ako sa sofa sa sala at nagsalang ng isang movie. Para sa Hopeless Romantic ang pinili ko.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood at pagkain nang kumalabog ang pintuan. Halos malaglag ako sofa dahil sa ingay na nagawa noon.

Shiz. Nakalimutan ko palang i- lock yung gate. Pati yung pinto. Aish! Ulyanin talaga ako. Kabilin- bilinan pa naman ni Xider yun.

Kinabahan ako bigla. Baka kung sino na ang nakapasok dito sa bahay.

Tumayo ako at dahan dahang naglakad papunta sa front door ng bahay..

Para akong nabunutan ng tinit nang makitang wala naman palang ta--

"SURPRISE!"

Bumungad sakin si Yanna at Bea.

Biglang umikot ang paligid ko at nakaramdam ako ng matinding sakit ng ulo.

Napahawak ako sa door knob,

"Oh my god. Pat?" dinig ko ang boses ni Yanna

Ano bang nangyayari sakin?

The DareWhere stories live. Discover now