Chapter 31: Breakup

1.9K 89 7
                                    

Lance's POV

Pagkagising ko, si Tita Yanny ang bumungad sakin. Maaga raw umalis si Yanna at hindi niya alam kung saan pumunta.

Dito kasi ako natulog sa kanila for some reason.

May dala akong extra na damit kaya nagpalit na agad ako at bumaba sa kusina para kausapin ulit si Tita.

"Tita, puntahan ko lang po si Yanna. Baka nasa restaurant siya ngayon." sabi ko kay Tita Yanny

"Sige iho." sabi niya at ngumiti

Kamukhang kamukha siya ni Yanna. Parehas silang maganda.

Papalabas na sana ako ng bahay nang maalala ko ang cellphone ko sa kwarto. Tumakbo agad ako para kunin yun.

Pagpasok sa kotse ko, I checked my phone kung may nag- text. At meron nga.

From: Yaya
6:56 AM
Good morning Babe, I'll you see sa seaside later okay? I love you :*

Nagtataka kayo kung sino si Yaya?

1st girlfriend ko yan.

Yesha ang tunay niyang pangalan. Iniba ko lang sa contacts ko dahil baka mahuli ako ni Yanna.

Seryoso naman ako kay Yanna, pero hindi ko pa kayang iwan yung buhay Playboy ko eh.

Pangalawang girlfriend ko siya.

May dahilan ako kung bakit ko ginagawa 'to.

Yung araw-araw na may nagte- text at tumatawag sayo. Hindi lang isa, kundi marami.

Oh diba? How cool is that?

Pinaandar ko ang kotse ko at dumaan muna sa Disix para i- check kung nandun si Yanna.

Yes. Kami ang nagma- manage ng restaurant ni Xider mula pa nung umalis siya at sinamahan si Patricia sa Paris. I know they're both happy there.

Natanong ko na lahat at inikot na ang buong lugar pero wala si Yanna dito eh.

Naalala ko yung text ni Yesha sakin.

Posible bang nabasa ni Yanna yun?

Hindi rin.

Mamaya ko nalang siya hahanapin.

Agad agad akong tumakbo sa parking para sumakay sa kotse ko. Pinaharurot ko yon na parang wala ng bukas. Kailangan ko na palang pumunta sa seaside.

Sa tagpuan namin ni Yesha.

Miss ko na rin siya eh.

Pagkadating ko ron, nakita ko agad siya sa di kalayuan.

"Yesha." sambit ko habang papalapit sa kanya

Lumingon siya sakin.

Ang ganda talaga ng girlfriend ko.

"Lance. Kanina pa kita hinihintay." sabi niya at sumimangot

"Sorry bae. May inasikaso lang ako."

Lumapit siya sakin at niyakap ako.

"Nagawa mo na ba?" malambing niyang tanong

The DareWhere stories live. Discover now