Chapter 32: D6 rebuilt

2.5K 82 7
                                    

Patricia's POV

Matapos ang pagkikita namin ni Ice nang gabing yon, ay nalaman rin agad ni Xider dahil nakita niya kaming nag- uusap sa labas ng bahay.

*flashback*

Pagka- park ko ng kotse sa garage ay pumasok na ako sa loob ng bahay.

Papaakyak na sana ako ng kwarto ko nang makita ko si Xider sa gilid ng pintuan.

"Huy. Bat andyan ka pa? Gabi na ah." sabi ko

"Nagkita kayo ni Ice? Pano raw siya napadpad dito? Ang layo ng narating niya ah. Kasama niya ba si Bea?" Sunod sunod niyang tanong

"Nakita niya ako kanina sa park malapit sa Eiffel tower. Nagyaya raw nagbakasyon si Bea dito." paliwanag ko

"Ahh. Kaya pala sabay kayo umuwi." sambit niya

Obvious naman na ngseselos siya diba?

"Nagseselos ka ba?" pang- aasar ko

"Ako? Hindi ah." sus. Masyadong defensive.

"Okay. Sabi mo eh. Sige tulog na ko." sabi ko at nagsimula na maglakad paakyat ng hagdanan

Pero nagsalita ulit siya,

"Nagkita na ba kayo ni Bea?" tanong niya

"Hindi pa." sagot ko habang nakatalikod

"Kinakabahan ka ba?" tanong niya

Bakit naman ako kakabahan?

"Wala akong dapat ika- kaba. Besides, naka- move on na ko sa fiancé niya. No big deal. Handa na rin naman akong harapin siya kung sakali." sabi ko at tuluyan na umakyat sa kwarto ko.

Pagkahigang pagkahiga ko sa kama, tsaka lang nag- sink in sa utak ko ang mga nangyari.

Sobrang mapaglaro ka talaga Tadhana.

Pero okay lang.

Hindi mo naman na ko maaapektuhan ngayon dahil naka- move on na ko.

---end of flashback

Tuwing aalis o lalabas ako ng bahay, hindi ko nakikita si Ice o di kaya si Bea.

Alam ko rin naman sa sarili ko na magkakaroon talaga ng away sa oras na magkita kami.

I know she's still angry at me.

Sa oras na masaktan ulit ako ni Bea,

Pinapangako ko sa sarili ko na doble ang sakit na babalik sa kanya. Yes, best friend pa rin ang turing ko sa kanya ngayon kahit magkagalit kami. Pero kakalimutan kong kaibigan ko siya sa oras na saktan niya ulit ako.

I'm not the old Patricia anymore.

Nag- text sakin si Xider na pumunta raw ako sa restaurant na malapit sa location ng company nila.

Kaya nagbihis agad ako para pumunta na agad roon.
Ano kayang meron?

____________

Yanna's POV

I need a friend right now.

At iisa lang ang kaibigan ko.

Si Patricia yun.

So, here I am.

Nasa airport para pumunta sa Paris, France.

Nag- resign na rin ako sa trabaho ko sa Disix. Ayaw kong makita ulit siya.

The DareWhere stories live. Discover now