Chapter 10: Kiss

2.4K 72 2
                                    

"Party girls, don't get hurt can't feel anything

When will I learn?

I push it down

Push it doooown"

Kumakanta ko ng Chandelier habang nagwawalis dito sa sala.

Sinisipag ako ngayon eh.

Dejoke, ginagawa ko lang talagang busy yung sarili ko at umiiwas ako kay Ice.

Bakit ako umiiwas?

Kasi nakakahiya yung nangyari kahapon.

Yung nakita ko siya sa banyo, remember? Umiiwas din naman ata siya sakin kaya kwits lang.

Andun siya sa kwarto niya ngayon. Di ko alam kung anong ginagawa niya dun at wala akong balak alamin.

Kagabi, dun ako natulog sa sofa. Sinadya ko talaga kasi nakakahiya naman kung dun ko nanaman siya patutulugin kaya wala siyang choice kundi mahiga dun sa kama.

Lumabas kaya ako ngayon?

Bagot na bagot na kasi talaga ko dito sa bahay. Di naman kasi kami lumibot ni Ice kahapon tulad ng sabi niya.

Kaso baka maligaw na naman ako kaya huwag na lang.

"Ehe- ehem" si Ice yun.

Buti nalang nakatalikod ako sa kanya. Tinakot niya ko sa sigaw at titig niyang nanunusok kahapon eh.

"Ehe- eheem! Ehem!" nilingon ko na siya

Nakaupo na pala siya sa sofa at manonood ng tv.

"Inuubo ka?" tanong ko pero hindi siya sumagot.

Stupid Pat. Obvious naman diba?

"*sniff*" -siya

"Luh. Sinisipon ka din?" -ako

Okay. Panibagong katangahan.

Narinig ko na nga tinanong ko pa.

Ganito talaga siguro kapag yung taong gusto mo yung kinakausap mo.

Hindi pa rin siya nagsalita kaya lumapit na ko sa kanya. Baka lagnatin to dahil sabay pang inuubo at sinisipon. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang leeg kaso tinabig niya din iyon.

Pero kahit na, naramdaman ko na yung temperature niya. Sobrang init.

"Napaka- init mo Ice. Teka teka, ano teka lang kukuha ko ng towel at malamig na tubig. Diyan ka lang ah!" sabi ko at sumagsag agad sa kusina para maghanap. Kumuha na rin ako ng gamot at tubig sa cabinet.

Pagkabalik ko sa sala, andun pa naman siya at nakahilig na ang kanyang ulo sa sofa. Ice naman, pinapakaba mo ko.

Piniga ko ang towel na nakababad sa malamig na tubig at pinunasan ang kanyang mukha hanggang batok at leeg.

Nagising naman siya kaya pinapainom ko sa kanya ang gamot.

"Ayoko niyan. Mapait." reklamo niya

The DareWhere stories live. Discover now