Chapter 34: Friends again

2.3K 68 8
                                    

Xider's POV

"Do you really love her?" tanong niya sakin na ikinagulat ko.

Tinatanong pa ba yan?

"Oo." sagot ko at umupo na sa kama

"Ikaw ba? Mahal mo talaga si Bea?" tanong ko

Hindi siya sumagot.

"Lalabas lang ako." sabi niya at lumabas ng kwarto.

Problema ng isang yun?

___________

Patricia's POV

Pagkapasok ko ng kwarto, ay nakaupo na si Bea sa kama niya.

Sa hindi malamang dahilan, ay kinakabahan ako.

"Eto na yung damit." sabi niya sabay abot sa akin ng isang short at puting pantaas

"Thanks. Bababa lang ako." sabi ko

"Sandali." sabi niya

Kaya humarap ako sa kanya.

"Patawarin mo ko sa ginawa ko noon Pat. Sorry." sabi niya na ikinagulat ko

"Matagal na kitang napatawad." sabi ko

"Kasalanan ko kung bakit ka nasaktan. Kasalanan ko kung bakit hindi niya nasabi sayo yung totoo." naluluha niyang sabi

Kaya nilapitan ko na siya.

"May hindi ba ako nalalaman?" tanong ko

"Hindi ako ang dapat magsabi sayo ng lahat. Pero sana Pat, mapatawad mo ako kung sakali man." sabi niya

Hinawakan ko ang kamay ni Bea.

"Pinapatawad na kita ngayon pa lang. At naiintindihan ko kung bakit ayaw mong sabihin sakin ang kung anumang bagay ang kinikimkim mo. Sabihin mo lang sakin kung handa ka na." sabi ko sa kanya

Niyakap ako ni Bea.

"Thank you Pat. Thank you bes." sabi niya

"Namiss ko yang pagtawag ko bes sakin." sabi ko at niyakap na rin siya

"Ako rin." sabi niya at bumitaw na sa yakap

"Osige, magbihis ka na." dagdag niya pa kaya lumabas na ako ng kwarto.

Pagbaba ko sa sala, ay dumiretso na ako sa banyo. Saktong sakto sa akin ang damit ni Bea.

Natutuwa ako dahil okay na ulit kami ng kaibigan ko.

Pumunta ako sa sala. Puti ang kulay ng pader ng bahay na 'to kaya naisipan kong kumuha ng picture na pwede kong i- post online. Isa kasi akong online blogger.

Simple lang ang damit ko ngayon pero okay na 'to.

Isinandal ko ang cellphone ko sa isang vase atsaka ako gumawa ng anggulo na pwede kong gawin.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon