Chapter 29: True love

2.4K 69 3
                                    

Ice's POV

"Dad, sinubukan ko naman lahat ng kaya kong gawin para magustuhan at mahalin siya. Pero sorry dad, hindi ko kaya. Kasi may mahal na ko eh."

"Hindi ka na pwedeng umatras sa usapan Ice. Babagsak ang kumpaniya, babagsak ako sa oras na kumalas ka sa fixed marriage niyo ni Bea. They'll pull out the 4 billion pesos na pinasok nila sa company natin. Hahayaan mo ba kong bumagsak? I know you won't, kaya wag kang aatras sa usapan. Hindi pa naman kayo ikakasal eh. Matagal pa yun, basta sa ngayon, subukan mo lahat para mahulog kay Bea at siguraduhin mong hindi na rin siya kakalas sayo. At isa pa Ice, wala na dito si Patricia. Wala na dito yung kababata mo. Ang balita ko, nasa ibang bansa na siya kasama ang isang Gabriel. Mayaman ang mga Gabriel anak at wala kang laban dun. Alam mo naman na siguro yan. Wag ka nalang uma---" hindi ko na pinatapos sa pagsasalita ang tatay ko at lumabas na ng office niya.

Bastos na kung bastos, pero nakakasakit yung mga salita niya. Pakiramdam ko pa, ginagawa niya lang akong tali para hindi masira ang kumpaniya na siya lang naman ang nakikinabang.

Pumunta ako sa kwarto ko.

At as usual, nagbukas ako ng facebook. Titignan ko nalang ang picture niya para mabawasan ang inis ko. Hobby ko na talaga to.

Nag- post siya ng isang public picture 5 minutes ago.

(A/N: Picture po sa taas or sa right side.)

Caption: Got home from Pugo's nest. lol thanks for fixing my look dear. I'll see you soon! :)

Nagpaayos siya.

It's very unusual of her.

Hindi siya mahilig sa mga ganyan kahit noong mga bata pa kami. Imbis na headband ang sinusuot, laging nagb- ball cap. Anyway, she's still beautiful. More beautiful.

Medyo umikli ang buhok niya at medyo kulot na. Bago na rin ang ayos ng pananamit niya ngayon, sobrang professional. Sa mga photo na lagi niyang inu- upload ngayon, laging maiiksi ang damit niya. Samantala dati, lagi siyang naka- pants o di kaya leggings.

Yung ngiti niya, may bago na rin doon. Dati, kadalasan lagi siyang nakangiti o nakawacky, pero ngayon, kadalasan puro fierce.

Actually, isa siyang sikat na online blogger. Nakakatuwa nga eh. Kasi sobrang lalaki siyang gumalaw noon, kumbaga, babaeng lalake pumorma.

Ang dami na talagang nagbago sa kanya.

Nagbago na rin kaya yung nararamdaman niya sakin?

Oo man o hindi, tanggap ko. As long as she's happy.

Aish. Nababakla talaga ko pagdating sa kanya.

"Babyyyy!"

-_____-

Parang sasabog na naman ang mundo ko.

Nandito na naman siya.

Agad agad kong tinago ang cellphone ko dahil baka makita niya pa at humaba pa ang usapan.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko, at as usual, mukha na naman niya ang bumungad sakin.

"What do you need?" tanong ko

"I have something to tell you Babe." nakangisi niyang sabi

Naaasar ako sa pagtawag niya sakin ng babe, baby, bae, or whatever. Hindi bagay. Actually, cover niya lang yung pagiging pilosopo noon, pero ngayon, parang siya na si Yanna. Speaking of Yanna, kumusta na kaya sila? Hindi ko na kasi sila nakausap pa mula nung umalis si Patricia. Mula nung nasira yung D6.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon