Chapter 42: Hurting

1.5K 52 7
                                    

Patricia's POV

"I can't." sabi ko

[Look, marami pa tayong pangarap Pat. Magiging sagabal yang bata sa mga pangarap natin na yun.]

I can't believe it. Paano niya nagagawang sabihin lahat ng yan sakin?

"Ikakasal na rin naman tayo Xider. At hindi basta- basta ang magpalaglag ng bata." nanlulumo kong sabi

Ayoko. Ayokong patayin ang sarili kong anak.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero di pa rin siya nagsasalita.

"Xider. Ano na?" naluluha 'kong sambit.

Hindi ko lang kasi inakala na sa kanya pa magmumula ang mga salitang di ko inaasahang sasabihin niya.

[It.. It just can't be.]

Ano pa ba kasing problema? Ikakasal na rin naman tayo! Bakit hindi ka man lang natutuwa na magiging tatay ka na? Pambihira naman oh. Pakiramdam ko tuloy lahat ng 'i love you' mo sakin, kasinungalingan lang. At isa pa, ano bang sinasabi mo na magiging sagabal pa sa mga pangarap natin yung pinagbubuntis ko ngayon? Eh diba sabi mo sakin nun, ako na yung pangarap mo? P'ta naman pala. Gag'han lang ba lahat ng yon?!

Gusto kong isumbat sa kanya lahat pero hindi ko magawang magsalita.

I just ended the call at napaupo ako sa sahig. Hindi ko na rin napigilan ang sunod- sunod na pagtulo ng luha ko.

Kita ko sa mukha ni Bea at Yanna ang pag- aalala.

"Hey.." -Yanna

"S-Sabi niya, i-ipalaglag ko raw yung b-baby.." pautal utal kong sabi

Tumayo si Bea at tinadyakan yung table na may vase sa ibabaw. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Eh g'go pala siya e! Matapos kang buntisin tsaka niya sasabihin na ipalaglag yung bata?!" sigaw niya

I can see the anger in her eyes.

Itinayo ako ni Yanna at pinaupo sa sofa.

Sinenyasan niya pa si Bea na tumahimik.

"So, what's your decision?" tanong ni Yanna sakin

"Of course hindi ko ipapalaglag! I can't kill my baby!" sigaw ko

"Okay, calm down.. Ganito nalang, hintayin natin na makauwi si Xider galing Hongkong bago gumawa ng move. Mag- usap muna kayong dalawa." -Yanna

"Ano ba naman kasing problema sa pagbubuntis mo e ikakasal na rin naman kayo?" gigil na sambit ni Bea

Hindi nalang ako umimik. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong problema eh. We're getting married in just a couple of months pero bakit ganito siya?

Napabuntong hiniga nalang si Yanna. I know she's just trying to be calm in front of me, at the same time, nagtitimpi kay Bea dahil kanina pa siya salita ng salita.

"Are you sure he's in Hongkong?" tanong ni Bea

Agad akong napalingon sa kanya. Anong klaseng tanong ba yan?

"Bea, tumahimik ka nalang." sabi ni Yanna

Naguguluhan ako.

"May hindi ba kayo sinasabi sakin?" tanong ko. Kalmado na rin ko ngayon.

"E kasi-" -Bea

"I said tumahimik ka nalang.' -Yanna

Lalo nilang ginugulo ang utak ko.

"Ano ba kasi yun?!" napataas ang boses ko kaya napatingin silang dalawa sakin.

Napabuntong hininga ulit si Yanna at nagsalita na rin si Bea,

The DareWhere stories live. Discover now