Chapter 40: First night together

2K 62 4
                                    

Ice's POV

2 araw na matapos ng pagkikita namin ni Patricia sa Disix. Kasama niya rin pala si Xider and they're both staying here for good. Sila na rin kasi ang mamamahala ng kumpaniya ng Ramos' at Gabriel's.

Kung kayo lang ang nakakita sa kanilang dalawa, masasabi niyo talagang sobrang saya nila sa isa't isa.

*Itanong mo sa akin, kung sino aking mahal*

Aish. Nakakabakla yung ringtone ko. Si Yesha may gawa niyan. Theme song daw namin.

Tinignan ko kung sino ang tumatawag..

~0935 *** **** calling...

That's my Mom. Siya lang naman yung tumatawag sakin na hindi ko sinasave yung number sa contacts. Mula nang maging modelo ako, binubulabog na nila ako na umuwi na raw ako sa bahay.

Yes. Until now hindi pa rin kami okay. Pero okay na rin sakin kung hindi kami magkaayos- ayos. I can handle myself now. Hindi ko na kailangan ng pera nila. Besides, tinakwil na rin nila ako.

Hindi ko na sinagot yung tawag at gumayak na para sa shoot ko ngayon. Iba yung kumpniyang pagkukunan namin kaya di pwedeng ma- late.

****

"Ahhh! Ang gwapo ni Ice!"
"Grabe! Ang gwapo niya pala talaga sa personal!"
"Diba may girlfriend na siya? Sayang naman."

Yes girls. My girlfriend na 'ko. Sorry hindi ko kayo pwedeng lingunin kasi mahal ko siya. :)

"Ice! C'mon magsimula na tayo ng shoot. Kanina ka pa namin hinihintay." bungad sakin ni Jeth, manager ko.

"Sakto naman ako sa oras ah?" nagtatakang tanong ko

"Ah kasi, hindi ka mag- isa ngayon. May kasama kang magsh- shoot." sabi niya

"Sino?"

"Basta mag- ayos ka na. Marami tayong gagawin." apurang sabi niya at umalis na para mag- set up

________

Patricia's POV

~Mom calling...

"Hello Ma?" bungad ko matapos sagutin yung tawag

[Anak, gumayak ka na.]

"Mom, it's my rest day today."

[Sorry dear. Pero may shoot ka daw ngayon sabi ng secretary mo.]

"Shoot? Ma, CEO ako hindi model."

[Basta gumayak ka na. Ikaw nalang ang hinihintay dun.] she said then hung up.

Pumunta ako sa kusina kung saan kumakain si Xider. Nandito ako sa bahay niya ngayon.

"Baby, punta muna ako sa office. May shoot daw ako sabi ni Mom."

"Shoot? Diba day off mo ngayon?" tanong niya

"Ewan ko ba kay Mama. I'll call you later okay?" I said then kissed him on the cheek.

"Gusto mo ba ihatid kita?" tanong niya

"Nah. Okay lang, magpahinga ka muna ngayon. Day off mo naman today." sabi ko

"Osige. Mag- ingat ka ha? Tandaan mo, pakakasalan pa kita."

Hala. Kinilig ako dun ah. Hahaha!

"You're blushing again. How cute." pang- aasar niya pa

"Sige lang. Ba-bye love you."

"Love you too." -Xider

****

Nang makarating ako sa office, inayusan agad ako ng isang babae. Ang daming tao dito. Sabi nila may ka- partner daw ako.

The DareWhere stories live. Discover now