Chapter 12: Nothing more

2.2K 68 0
                                    

Tuloy tuloy lang kaming nag- uusap ni Ice.

Naikwento niya rin sakin na natagalan daw siya sa France dahil nagkaproblema ang business nila doon nung 13 years old na siya.

So nag- extend pa sila doon ng 5 more years before going back here in the Philippines. Hinanap niya na rin daw ako ng ilang beses.

Lagi nga rin daw siyang tumatambay dun sa playground kung san kami laging naglalaro nun pero dahil nga mapaglaro ang tadhana, hindi kami pinagtatagpo kahit na nagpupunta rin naman ako doon.

Actually hindi ko pa rin kilala ang mga magulang ni Prince or Ice or Prince or Ice. Aish.

Kasi mga bata pa naman kami noon at ang alam lang talaga namin, ay mag best friends kami. Hindi rin naman niya kilala ang parents ko eh. Having the same reason.

"Kanina pala, bakit parang galit ka nung tinatanong mong ako si Princess?" tanong ko

Nakahiga na siya sa sofa ngayon at ako naman, nakasandal sa head ng kama.

Napatingin siya sakin dahil sa tanong ko.

"Akala ko kasi, kaya hindi mo ko hinanap e dahil hindi ka naniniwala dun sa pinangako ko sayo na babalikan kita." Sabi niya

"Kanino ka naman nakasagap ng balita na ako nga si Princess?" ---ako

"Sabi ni Xider sakin nung nagusap kami sa chat. Nung araw na nagsimula akong maging cold sayo." --siya

Nagulat ako sa sinagot niya.

Si Xider? Pano niya namang nalaman?

Nahalata ata ni Ice na nagtataka ako kaya pinaliwanag niya sa akin.

"Lagi ko kasing nababanggit sa kanila yung tungkol sayo, yung tungkol kay Princess. At nung andun daw tayo sa bar ko, tumaas daw yung damit mo at lumitaw yung bewang mo. Napansin ni Xider na meron kang heart-shaped na balat. Diba yun yung palatandaan ko sayo nung mga bata pa tayo?" --siya

Tumango ako habang ngiting ngiti.

Napakaliit talaga ng mundo.

Kung sino pa yung hate na hate, at akala kong masungit (well, masungit naman talaga pero iba na yung paningin ko eh), matapobre, mayabang, ay siya pa palang isang mahalagang tao sa buhay ko. Siya yung best friend ko simula pa noon at dahil na rin siya yung taong matagal ko nang gusto. Hindi ko nga alam kung mahal ko na ba siya o ano.

Because of that thought, natanong ko sa kanya ang isang tanong na matagal ko nang gustong masagot.

"Ice?" tatanungin ko pa ba?

"Hmmm?" sabi niya habang nakahilig ang ulo sa sofa at nakatingin sa kisame

"D-Do you have a girlfriend or have you been in a relationship these past few years?" tanong ko.

"I have a girlfriend Princess. " sabi niya sabay ngiti sa akin.

Parang may tumusok sa dibdib ko.

"Ang swerte naman niya. Ha-haaa ipakilala mo naman sakin oh?" ang galing ko talaga magpanggap na masaya.

"After this dare, ipapakilala kita sa kanya personally." ngiting ngiti niyang sabi

Nginitian ko nalang siya at tumango.

"Inaantok na ko. Sige bukas nalang ulit tayo magkwentuhan, good night!" sabi ko at agad na nagtaklob ng kumot.

OKAY.

Eto na naman yung puso ko, kumikirot.

Parang sinasaksak.

Meron siyang girlfriend? I thought,

He's possessing me because he likes me.

But I'm wrong.

Hinalikan na nga niya ko eh. Tapos binaggit niya pa yung tawag niya sakin. He said "Cessy". Close to Cess na shortcut of Princess.

But still, I'm wrong.

Because,

I assumed too much.

I expected too much.

Siguro dapat tigilan ko na tong ilusyon ko.

Hindi na rin siguro tama na tawagin ko siyang Prince dahil pag nagkataon, magalit pa yung girlfriend niya. I'll call him Ice or Stanley nalang.

I'm really getting crazy.

I never new na pwede rin pala kong magmahal.

Na magmamahal din pala ko.

Kung kelan ba naman kasi nasa kalagitnaan na kami ng dare na to, tsaka ko pa muntik maisugal yung puso ko eh.

Pero paano kung...

Nasugal ko na nga talaga?

Shiz.

Mali to e.

Maling mali.

Best friend ko to, hindi pwede.

Lalo pa ngayon na may girlfriend pala siya.

Perfect ingredient 'to for heartbreak.

Gusto ko siya or let's say mahal.

Tapos may mahal siyang iba.

Aish!

OA na ba ko?

Okay, I really need to stop this.

And oh, to remind myself, best friend nga lang pala niya ko.

Best friend lang. And nothing more than that.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon