[3] LRT + Party = Confession?!

565K 4.3K 387
                                    

Long update! So next update might be this Friday or Saturday! :) Enjoy! <3

CHAPTER 3

HOPE'S POV

Umuwi agad ako sa bahay. 

"Ui! HOPE! Bakit gabi ka na?!"

Uh-oh! 

"Hi.. Ate :)"

Yan. Siya si Faith Miyelle Samantha. Ang aking ate. 18 years old siya. Sobrang close kami. AS IN TIGHT! Sina Mama at Papa kasi nasa Korea kaya kami lang ni ate dito sa bahay. Tska si Lola. WAHOHO! Bata palang kami kami na magkakasamang tatlo :D

Hindi naman kami mahirap, pero hindi kami kasing yaman ng tres gwapitos at ni Venice. Normal lang naman buhay ko! Si MIKS talaga. Yang baklang yan mayaman yan! :D 

"Wag mo akong pagpakyutan diyan! Oi. SAAN KA GALING?" Tapos piningot niya ako!

"ARAY! Wala pa nga ee! Nakakainis naman ito. Kasi naman po, si MICO LOYOLA sinipa ako ng bola! Dinala ako sa school clinic. Ayun."

"Sino ba yang Mico na yan at palagi kang binubully?! Nanliligaw ba yan sa iyo?!"

"UMASA NAMAN AKO ATE! Isa pa.. Ngayon lang ako binully, assumera lang? Ibubully ako araw araw ganun?!"

"Hoy! Umayos ka! Mico? Ah. Belong nga pala siya sa 'Tres Gwapitos' kung nasaan nandoon ang iyong prince charming na si ENZO!" namula naman ako.

"ATE! Wag ka ngang maingay! Baka kiligin pati mga buhok ko sa ilong! Anubey!"

"CRUSH NI HOPE SI ENZOOOOO--" tapos tinakpan ko ang bibig niya!

Ang ingay talaga! Asar. Tama ng alam niya. Kailangan pang mang-asar?

"Uy ang sungit ni sister! Sorry na. Oh Peace. Peace!" Fine, peace na. Pasalamat ka mahal kitang bruha ka!

"Oy, kayong dalawa, nagkukulitan na naman kayo. Halina kayo. Kakain na." sabi ni Lola Tasing.

Siya yung kasama naming lumaki ni Ate. Mahal na mahal namin yan. Sobrang bait, strict din pero chill lang. Basta mabait yan. 

"Ano ulam Lola?"

"Tocino." YUN NAMAN!

"YES! Mapapadami na naman ang kain ko!" 

Bigla naman akong binatukan ni Ate.

"Aray naman."

"Baka naman pati pagiging baboy careerin mo? Hinay hinay lang."

"Sus, oo na! Eh sa peborits ko yun eh."

"Alam ko."

"Oh eh alam mo pala--"

"KAYA NGA UUNAHAN NA KITA! FAVE KO DIN YUN BAKA NAKAKALIMUTAN MO!"

Tapos tumakbo na siya sa kusina, siyempre di ako papatalo kaya tumakbo din ako. At padamihan kami ng ulam na makukuha. Mas masarap kapag ganoon. 

"Yumyum. Busog na ako. Matutulog na ako."

"Wala ka bang assignment?" tanong sa akin ni Lola.

"YUN LANG! Nasa clinic ako maghapon eh."

"ANO?!" pasigaw na tanong niya. Nashock talaga si Lola?!

"Lola naman! Kala mo naman kung ano na. Naclinic lang ako."

"Batang ito. Paano kapag may nangyari sayong masama?"

"CHILLAX LOLA T! Tingnan mo naman. Kumpleto pa ang body parts ko."

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon