[2] The planner

559K 4.4K 304
                                    

CHAPTER 2

HOPE'S POV

"GOOD MORNING BESTFRIEND” Bati sa akin ni Chelsea.

"Oy! Good Morning. Si Miks?" tanong ko.

"Alam mo na."

"Sus. Nandoon na naman sa field?! Inaabangan niya talaga si Mico ha!"

Varsity kasi ng football si Mico. May training sila ngayong umaga kaya ayun si Miks nakabantay na! Lokaret na yon! Inaaraw araw ang paghihintay sa football field! Baka kasali yun sa seremonyas niya para mapainlove si Mico!

"Oy ginawa mo ba yung assignment natin sa English?" chineck na naman ni Chelsea.

"ANO?! MAY ASSIGNMENT?!" At oo, nagulat na naman ako.

"Oo! Meron! Sinasabi ko na nga ba hindi mo pa nagagawa!"

"Eeh. Bestfriend. Baka naman pwede--"

"Hay naku Hope diyan ka magaling! When will you live out your name??"

"*STARE*"

"Oh bakit ganan ka makatingin?"

"Teh! Nosebleed ka! Grabe girl!"

"Ewan ko sayo! Nagagaya ka na sa language ni Miks! Oh. Kopyahin mo na bilis. First subject natin ang english!"

"Yes maam! Hay naku. Buti na lang bestfriend kitaaaa!"

Maya maya dumating na si Miss Inigo. Pagkatapos niyang magdiscuss, nagpaseatwork siya sa klase. Habang nagpapaseatwork tinawag niya ako.

"MISS YAZON!"

"Yes Miss?” Napatayo ako. Pinalapit niya ako.

"We need to talk." sabi sa akin ni Miss Inigo.

"Eh Miss, ano bang ginagawa natin? Nagsasayaw?"

"MISS YAZON!"

"Oo nga po di ba? Kelan po tayo maguusap?"

"Mamaya. After dismissal."

"About saan po?"

"Doon mo na malalaman."

"Ito namang si Miss Ira, pathrill pa! Dali na!"

"ANG KULIT NG--"

"OO NA PO! BYE!"

Bumalik ako sa upuan ko, at sakto nagbell na! Recess na! Pagtingin ko, wala na si Miks at Chelsea. Saan na naman pumunta ang dalawang yun? Hay naku. Ako na lang magisa kakain.

Habang papunta sa canteen, nakita ko si Enzo na kausap ang guidance counsellor namin. Maya maya may inabit si Miss Rizza Bisbal na paper sa kanya. Ano kaya yun? Nakita ko lang na kinuha ni Enzo yun at umalis na.

Ano kaya yun? Baka task?

Si Miss Bisbal kasi kilala sa mga surprise at special activities niya. Marami siyang pinapagawa sa mga estudyante niya na special secret task para may mapatunayan. Hindi ko talaga alam. Bali balita lang yun eh. Ewan ko, babalik na nga lang ako sa classroom.

*BOOOOOOG*

Aray! Ang sakit. Grabe naman makabato yon! Ang sakit

“Ha! Does it hurt?” Biglang may nagtanong. Wow. Obvious ba? Ikaw kaya ang sipain ko ng bola sa mukha tingnan natin kung hindi ka masaktan! Pagtingin ko kung sino yun, napanganga na lang ako.

Sino pa nga ba? Eh di si Mico Loyola. Sinipa niya ako ng bola!

"Ikaw kasi, hindi ka tumitingin. You're too busy thinking. Oh wait. You don't think!" tapos tumawa na siya ng malakas. GRABE ANG YABANG! NAKAKAINIS!

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon