46. Huli na to

38.7K 686 71
                                    

46.

“Sigurado ka ba sa gagawin mo Heinz?” Nag aalalang tanong sa akin ni Mike. Napahawak ako sa ulo ko. Pucha! Ang sakit! Nasobrahan ata ako kagabi ng inom. Hindi ko na nga namalayan kung paano ako nakarating sa condo ko. Malamang sina Mike ang naghatid sa akin. Doon na ako ulit umuuwi sa condo. Graduation gift nina Mommy at Daddy kasama ang bagong kotse kasi hindi na mapakinabangan ang dating kotse ko.

“Huli na to Mike.” Ipinark ko ang kotse ko sa medyo malayo sa simbahan. Oo, ngayon ang kasal ni Charm at kahit hindi ako invited pumunta ako. Siguro nga masochist ako. Gustong gusto kong masaktan. Pero kasi..gusto ko siyang makita sa huling pagkakataon na hindi pa siya kasal. At least yun ang huling alaala na maiiwan niya sa akin.

“Heinz…” Alam kong kinakabahan si Mike. Baka nga kung ano ang gawin ko sa kasal.

“Wag kang mag alala, hindi ako mageeskandalo. Ni hindi ako magpapakita sa kanya. I just want to see her for the last time." Napabuntong hininga na lang si Mike tanda ng pagsuko. Ayaw nga sana niyang pumunta sa kasal kaso pinilit ko siya.

Napatingin ako sa paligid. Nagsidatingan na ang mga bisita. Nasa loob na din ang groom. Hinintay ko ang bridal car na dumating. 30 minutes itong late. Pagdating ng bridal car, bumaba na ako ng kotse at sa gilid ng simbahan dumaan kung saan walang masyadong tao para hindi masyadong pansinin. Then I entered the Church habang inaayos ang entourage.

Habang papasok ako sa simbahan, bumibigat ang mga hakbang ko. Iniisip ko na kalokohan itong ginagawa ko pero hindi ko kayang pahindian ang puso ko. I’ve suppressed it for a long time at nagsusumigaw ito na kahit ngayon lang, for the last time pagbigyan ko siya. And that’s exactly what I’m doing. For the last time. Kahit gaano kasakit.

And when the wedding march started lalong bumigat ang dibdib ko. At mas nadagdagan pa yun when I saw her.  She is so beautiful in her wedding gown yet parang nagbavibrate sa buong simbahan ang aura niya. She  is not smiling. She is just looking ahead pero nakikita na blangko ang paningin niya. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin pero nagsusumigaw ang lungkot sa buong pagkatao niya.

Na parang any second from now tutulo na ang luha niya. O baka naman, napapansin ko lang yun kasi yun din ang nararamdaman ko? Dahil malungkot ako ngayon kaya pakiramdam ko malungkot din siya.

But then when she comes closer, I saw a glimpse of her face and despite her veil nakita ko ang luha sa kanyang mga mata. God, she’s crying while she’s walking towards the altar. Automatic na sumikip ang dibdib ko. Ano ba ang kapalit ng pagpapakasal niya kay Lucky? Is it worth all the tears? Na kaya niyang isakripisyo ang nararamdaman namin para sa isa’t isa? Na parang habang naglalakad siya ngayon, its as if she’s walking her death walk.

Gustong gusto ko siyang lapitan at itakas na lang pero magugustuhan kaya niya kapag ginawa ko yun? Ganito pala ang feeling pag wala kang magawa sa isang sitwasyon. Ganito pala ang feeling pag pinapanood mo ang babaeng mahal mo na ikinakasal sa ibang lalaki. Nakakagago, nakakatanga, at parang gusto ko ng mamatay sa sakit. Ampucha! Tumingala ako para hindi tuluyang tumulo ang mga luha ko and I looked at her again. I watched her every step towards the man she’s going to spend the rest of her life with and unfortunately it’s not me. And it’s killing me.

Parang pinapatay na din ako sa ginagawa ko. Dahil bawat hakbang niya papalapit sa altar, parang isang saksak sa puso ko. Ganito pala ang feeling ng paglelet go. Paglelet go na alam mong hindi mo na kayang bawiin ang pinakawalan mo. Masakit pero sino ako para pigilan siya sa gusto niya.

Yes Charm, hanggang sa huli, gagawin ko pa din kung ano ang gusto mo. Hanggang sa huli. Because I love you.   I love you too much to let you go. Too much that I have no choice but to  respect whatever decision that you make.

At bago pa siya ibigay ng Daddy niya kay Lucky, bago pa tuluyang tumulo ang mga luha ko, lumabas na ako ng simbahan.

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon