Chapter 13

331 16 0
                                    

Achlys/Avery POV

Saan na ba ang lalaking iyon, anong oras na ah, pasara na itong coffee shop. Don't try my patience kidlat.

Napatingin naman ako sa pinto ng bigla itong nagbukas. May lalaking nakasuot ng casual attire, matangkad at masasabi kong may hitsura ang isang ito.

“hello Achlys down to earth” saad nito sa akin. I raised my eyebrow because he knew my name.

“why you know my name?” sabi ko rito pero tinawanan lang ako ng loko. Familiar ang boses niya pero hindi ko alam kung saan ko ito narinig.

“hindi mo na agad ako nakilala porket pinalitan ko lang ng kulay ang buhok ko” doon ko lang napagtanto na si kidlat pala ang nasa harapan ko ngayon. Infairness to him bagay niya ang black hair.

“it suits you” pagkasabi ko nun ay tumayo na agad ako at umalis sa coffee shop. Sumunod naman ito sa akin. Sumakay na ako sa aking sasakyan at sumakay na rin ito. I checked my gps kung saan banda ang Q bar. Oh by the way, I am wearing black fitted jeans, white sando, black leather jacket and boots.

“fasten your seatbelt” pero hindi nakinig ang katabi ko kaya ngumisi ako ng patakbuhin ko ang aking sasakyan ng mabilis at hindi niya na alam kung saan ito hahawak.

“sh*t Achlys, drive slower, ayaw ko pang mamatay..ahhhhhhhh” sigaw nito sa akin habang mahigpit na nakakapit sa seatbelt na hanggang ngayon ay hindi niya malagay lagay.

Bago pa man niya mailagay ang seatbelt niya, nakarating na kami rito sa Q bar.

“we're here” tumingin naman siya sa akin at sa Q bar na nasa harapan na namin ngayon.

“that fast” tumango ako rito sa sinabi niya. Bumaba na ako habang sinusuot ang aking maskara at hinintay siyang bumaba. Pagkababa niya, hindi pa niya kayang ibalanse ang katawan niya.

“easy kidlat, hindi ka pa nga umiinom lasing ka na agad” tsaka ko ito tinawanan at iniwan doon sa tapat ng sasakyan ko.

“wait for me Achlys” sigaw nito sa akin pero hindi na ako tumingin pa rito dahil andito na ako sa entrance ng Q bar. May humarang na dalawang bouncer na naglalakihang mga katawan sa harapan ko. I'm just look at them with my cold stares and waiting for kidlat in my side.

“she's with me” pagkasabi ni kidlat iyon ay umalis na sila sa harapan namin, nakasuot na rin ito ng maskara. Palagi ba ang lalaking ito rito kaya kilala siya ng mga bouncer sa labas. Hindi ko na lamang iyon tinanong at pumasok na kami sa loob, naaamoy ko agad ang alak at sigarilyo rito sa loob, mayroon pang gumagawa na ng kababalaghan sa isang tabi.

“closed your eyes Achlys, bata ka pa” duh, hindi na ako bata, itong katawan ko lang ang bata hindi iyong ako.

“whatever” sabi ko rito, nakarating na kami sa main dance floor ng bar na ito. Kung kanina ay hindi ko pa masyado rinig ang tugtog pero ngayon ay napakalakas nito at ang raming nagsasayawan sa gitna ng dance floor. Yung tipong akala mo ay katapusan na ng mundo kinabukasan.

“where is that man” tinignan ko naman si kidlat na may hawak ng baso ng alak sa kamay nito. Saan naman niya ito kinuha? Sana hindi ko nalang ito sinama kung magpapakalasing lang siya.

“at the 2nd floor, last VIP room” pagkasabi nun ay agad akong tumalima at umakyat sa 2nd floor para puntahan ang lalaking tinutukoy niya. May mga nalalagpasan pa akong mga lalaki na kung tumingin ay akala mo huhubarin na ako sa paraan ng pag-titig nila.

Hindi ko na lamang ito pinansin at dumiretso sa pinakahuling VIP room na tinutukoy ni kidlat sa akin. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng may humawak dito.

“wag kang magpadalos-dalos Achlys, you don't know what gonna happen when you open that door” kumunot ko lang ang noo ko sa kanya at dahan-dahan kong binitiwan ang door knob at binitiwan niya rin ang kamay ko.

Extra Character in a Novel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon