Chapter 15

327 20 3
                                    

Achlys/Avery POV

Tell you honestly, hindi man lang ako nasiyahan sa pinapakita ng mga kaklase ko habang nakikipaglaban sila. Hindi ko man lang sila nakitaan ng potensyal sa pakikipaglaban. Tulad ko, napapailing din ang instructor namin dahil sa nasasaksihan niya ngayon.

Hindi man lang umabot sa puntong may duguan at patayan kundi isang suntok lang nung isa ay tulog na yung isa. Sino naman ang taong gustong manood ng ganung eksena kung isang suntok lang tulog agad.

“next” busangot na sabi ni sir, tumayo naman itong katabi ko at pumunta sa gitna ng training ground at tumayo rin ang alipores ni ahas girl habang nakangisi ito kay Dianne. Ngayon ay makakangisi ka pa pero kapag nakita mo ang tunay na Dianne ay masasabi kong magtago ka nalang. Si Dianne ang tipo ng taong mahiyain at mahina pero kapag sa pakikipaglaban ay siya naman ang kinalakas nito.

I trained her by myself kaya masisigurado akong siya ang mananalo sa laban nilang dalawa. Inobserbahan ko ang pustura at tindig ng alipores ni ahas girl and not that strong enough para patumbahin si Dianne. Knowing my dearest secretary, minsan siya na mismo ang gumagawa ng paraan para mabura lang sa mundo ang mga taong kakalaban sa akin.

“fight” sabi ni sir sa kanila, nag-uusap pa sila pero hindi ko marinig ang pinaguusapan nila at bigla na lamang sumugod ang alipores ni ahas girl kay Dianne. May hindi pa pala ako nasasabi sa inyo, siya rin ay magaling sa biruan pero yung biro niya ay nakakainsulto na gusto ko nalang siyang gilitan sa leeg at iyon ang alam kong ginawa niya kung bakit sumugod ng walang alinlangan yung alipores ni ahas girl.

Bawat suntok na binibigay nito ay naiilagan lang ni Dianne, kita ko sa mukha niya na hindi siya nasisiyahan at naboboring ito habang nakatingin sa taong kaharap niya ngayon.

Nang akmang susuntukin nito si Dianne ay nahawak niya ito at pinilipit ang kamay nung babae papunta sa likod nito at inapakan niya ng pagkalakas-lakas kaya ito napadausdos sa sahig.

Tumayo naman ito at tumingin kay Dianne habang nanlilisik ang mga mata niya ngunit ngumisi lamang si Dianne rito. Bagap pa man makatayo ang babae ay bigla lamang na bigyan ng sipa ni Dianne ang mukha ng babae kaya natumba ulit ito at bumuga ng dugo. Nabuhayan naman ang kalamnan ko dahil sa dugong nakita ko and I am excited to have a fight with Hermes right now.

Napatingin ulit ako sa ground at tumayo ang babae habang hawak nito ang mukha niyang sinipa ni Dianne, hindi pa man din nakakabawi ng lakas ang babae ay agad nag-bigay ng flying kick si Dianne na tumama sa kaliwang pisngi nito at may tumalsik pang dugo bago ito tuluyang natumba.

“wow Miss Norlander, that was a good fight” sabi nung instructor namin sa kanya at ngumiti naman si Dianne ng pagkalawak-lawak bago siya nagtungo sa pwesto namin.

“okay lang ba yung laban ko ma'am?” tumango ako rito.

“not bad” sabi ko rito at tumingin ulit sa instructor namin dahil magsasalita ulit ito.

“Elijah and Hades ang maglalaban” this is be a great show to watch, I can't wait.

Elijah POV

sa wakas nagkaroon na rin ako ng POV. So ayon nga tinawag na ang aking pangalan at ang pangalan ng taong kakalabanin ko ngayon ata tama kayo ng narinig si Hades ang taong iyon.

Natatawa nga ako eh dahil sa wakas ay makakalaban ko na rin siya. Hindi ko kasi kayang tignan na nagpapapansin ito kay Trix dahil naiinis ako. Hindi man ipahalata ni Hades kung paano niya ito pahalagahan pero ramdam ko ang paraan niya kung sa paano niya ito titigan.

I hate his guts kaya ipapakita ko na hindi ako basta basta lamang. Naglalakad na ito patungo rito sa training ground. Sinundan ko naman kung saan siya nakatingin. Nakatingin siya kay Avery na ngayon ay nakapikit.

Extra Character in a Novel Where stories live. Discover now