Chapter 17

343 14 2
                                    

Someone POV

“master, natunugan tayo ng Gemini syndicate, hindi namin sila mahagilap” naitapon ko ang hawak kong baso na puno ng alak dahil sa sinabi ng isa sa mga tauhan ko.

“bwesit, mga peste mga inutil” saad ko sa mga ito at tumingin sa kanila ng nakakamatay. Wala talaga silang silbi, alam ba nilang pwede silang magsalita once na nahanap na sila ni Avery. Mga tanga talaga ang mga ito kahit kailan.

“what's wrong with here?” napatingin naman ako sa taong kakapasok lang dito sa opisina ko. Napangiti naman ako dahil nasilayan ko na naman ang maganda niyang mukha.

“mga tanga ang mga iyan eh, hindi nila napatay ang Gemini syndicate dahil sa kabubuhan ng mga iyan” sabi ko sa kanya, umusbong na naman ang galit sa aking puso pero hinaplos lang niya ang pisngi ko kaya gumaan ang pakiramdam ko.

“don't be angry Hon, just trust me mawawala rin sa landas natin ang Gemini syndicate” kinalma ko ang aking sarili dahil sa sinabi nito sa akin. Siya talaga ang nakakapagpagaan ng aking loob.

“magsilayas kayo” turan ko sa mga ito at umalis naman sila sa harapan ko.

“okay ka na ba?” tumango naman ako sa sinabi niya at saka ko siya siniil ng halik and she response to it. Pinutol niya ang aming halikan at hingal na hingal itong tumingin sa akin.

“ano pala ang ginagawa mo rito?” tanong ko rito habang hinahaplos ang kanyang tiyan.

“naboboring ako sa school eh” sabi nito sa akin at sinandal niya ang kanyang ulo sa aking dibdib.

“okay hon, but don't forget your mission” tumango ito sa akin at saka niya ako hinalikan ulit at tumugon ako rito.

Achlys/Avery POV

Andito ako ngayon sa paradise nakikipagkulitan Kay Yuki while waiting for Kidlat. Hindi pwedeng umupo nalang ako sa isang tabi habang ang kalaban ay patuloy na kumikilos.

“thanks god at naisipan mo ring pumunta rito, akala ko nakalimot ka na” napatingin ako kay Thunder habang naglalakad ito patungo sa akin. Yung buhok niya ay hindi na niya binalik sa dati, black na ito at short hair na siya hindi katulad dati na sobrang haba dinaig pa ako.

“do you have any updates?” tumango naman ito sa akin at nagseryoso.

“according to the information I gathered, umalis ang Gemini syndicate sa dati nitong HQ dahil may nagtangkang patayin lahat ng miyembro ng Gemini syndicate” nakatunig ba ang mga kalaban nila? Pero sino naman ang may kakagawan ng mga ito?

“and I discovered something” tuloy nito, discover? Ano naman ang nadiskobre niya?

“remember nung pumunta tayo sa Q Bar?” tumango ako rito.

“hindi kaalyansa ng secretive syndicate ang Gemini syndicate kundi magkalaban sila” putek na matandang iyon, wala palang silbi ang paghahanap ko dahil kasinungalingan lamang ang pinagsasabi ng matandang iyon.

“tinutugis na nila ang Gemini syndicate dahil may alam ito sa mga illegal na gawain ng sindikatong ito at kapag nagkataon man na mahanap nila ang Gemini, siguradong gyera ang kakalabasan” he's right, kapag may nangyaring hindi maganda sa isa mang zodiac syndicate makakalaban mo silang lahat kaya napakadelikado.

“kaya dapat maunahan na natin sila bago pa nila mapatay ang buong Gemini syndicate” saad ko rito.

“iyon na nga eh, nakatunog na rin ang pinakamalakas at siyang nangungunang zodiac syndicate kaya malabo nating makakalap ng impormasyon lalo na at hindi basta basta ang isang zodiac syndicate na ito” ganun? Gaano ba kalakas ang sinasabi niya? Gusto kong makilala ang the most strongest zodiac syndicate.

Extra Character in a Novel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon