Chapter 18

327 15 3
                                    

Achlys/Avery POV

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala kahapon, imagine engaged ako kay hudas na hindi naman dapat. I couldn't remember na may ganitong eksena or should I say nabago na ang lahat sa istoryang ito. Binago ko na talaga ang buong istorya, I shouldn't ended up with Hades, I shouldn't be with him in the first place and I shouldn't be f*cking be like this.

Hinangad ko lang ang simpleng pamumuhay ko rito and avoid them but we destined to be with them. How about Angela? Hindi ba't siya ang makakatuluyan ni hudas? Sh*t this going to be insane, hindi na ako makapag-isip ng tama. Hindi ito maaari, ayaw ko na tuloy pumasok sa school.

“hanggang kailan ka tatayo diyan sa harap ng salamin” napabalik naman ako sa aking ulirat ng may nagsalita sa aking pintuan. Nakasandal ito habang nakatitig sa akin ng seryoso.

“until I am sure about my f*cking decision” saad ko sa kanya at tinignan siya sa salamin. Bumuntong hininga naman siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilaang balikat ko at pinaharap sa kanya.

“trust me lil sis hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa utak ng tatay natin at ipapakasal ka kay Hades” malungkot na sabi ni kuya Ashton sa akin. “I know that it was very hard decision of yours but just trust the process lil sis, hindi ko man alam ang plinaplano nila but I know dad, It is for your own sake” sabi nito at ngumiti sa akin, ngayon ko lang naramdaman na magkaroon ng kuya like him. His smile made me comfortable kaya bigla ko itong niyakap. Nagulat pa siya sa ginawa ko pero niyakap niya rin naman ako pabalik.

“seriously, naghihintay ako sa baba then you just hugging each other” tinignan naman namin ni kuya Ashton si tukmol ng nakakamatay na tingin.

“did I tell you to wait? Ang sabi ko mauna ka na kung gusto mo” busangot na saad ni kuya Ashton kay tukmol. Hindi ko mapigilan ang humagikhik dahil sa kakulitan nilang dalawa.

“stop that, let's go baka magkaroon pa ng world war 3” pagkasabi ko nun ay hinila ko na si kuya Ashton at ganoon din si tukmol. Now I know to have a brothers na kahit hindi kayo magkasundo andiyan pa rin sila para damayan ako. You have a grate brothers Avery and I envy you to have them.

Baliktad na ba ang mundo?  Bakit magkasundo na ang magkakapatid?

Ay ewan ko rin, basta masaya akong makitang magkasundo silang tatlo

Kaya nga eh, ang sarap nilang pag-masdan at nagsisisi ako na tarayan si Miss Avery

Ako rin, hindi ko lubos maisip na gumawa ako ng masama sa kanya

Korak ka diyan girl kaya huwag na nating pagkaisaan si miss Avery hindi niya deserve

Napangiti naman ako lihim dahil sa mga bulungan ng mga maids namin na rinig ko habang nadaanan sila.

“bat ka nakangiti?” ay puta nakita pala nila na ngumiti ako, ang sabi ko lihim lang eh bat nakita nila.

“I am just happy, you know” sabi ko sa kanila sabay pasok sa sasakyan at ganoon din ang ginawa nila.

Hindi pwedeng malaman ng iba na engaged ako kay Hades dahil gusto ko ng tahimik na buhay. Kilala ko rin si Hades dahil hindi niya iyon ipaglalandakan na ikakasal siya sa isang tulad ko.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na rin kami rito sa school, as usual may mga naghihintay pa rin sa knights. Hindi ba nagsasawa ang mga ito? Para na rin silang tanga sa mga ginagawa nila, like Avery before grabe kung makasigaw kapag andiyan na ang knights but now sila na mismo ang lumalapit sa akin tapos may nagmamakaawa pang lutuan ko raw ng pagkain. Tsk, iba na talaga ang takbo ng istoryang ito.

Extra Character in a Novel Where stories live. Discover now