Chapter 27

142 13 2
                                    

Achlys/Avery POV

Maaga akong nagising dahil call time namin ay 6 am kaya naghahanda na ako para pumasok. Tinanggal ko na rin ang benda sa ulo ko dahil nakakailang at saka ginamot ko na rin ang sugat ko sa aking tagiliran.

Agad akong bumaba kasi malamang sa malamang naghihintay na ang dalawa kong lutano tukmol. Nakakamiss din palang tawagin silang tukmol.

Pagkababa ko ay kita ko ang bagot nung dalawa kong kuya kakahintay sa akin, pwede naman kasing mauna na sila at hindi na nila ako hintayin pa. Mga wala talagang utak.

"Grabe Avery, ang bilis mong kumilos" sarkastikong sambit ni kuya Aaron sa akin.

"Tama na yang daldal, alis na tayo " seryosong saad ni kuya Ashton sa amin kaya tumalima naman kami agad.

Pagsakaya namin sa kotse ay siyang paglingkis ni kuya Aaron sa akin, sabay patong ng kanyang ulo sa aking kanang balikat. Malapit kasi ako sa bintana para masilayan ko kung gaano kaganda ang nature.

"Siguraduhin mo lang na makukuha mo ang camera sa itaas ng puno dahil kung hindi, makikita mo ang hindi mo pa nakikita" biglang sambit ni kuya Ashton kay kuya Aaron.

"What do you think of me my brother, ha?" Sambit naman ni kuya Aaron kay kuya Ashton.

"Mabuti nalang yung naninigurado ako" and he crossed his arms on his chest.

"Ito talagang si kuya Ashton parang walang tiwala sa akin, nakakasakit ka na" madramang sambit ni kuya Aaron habang may pahawak hawak pa sa kanyang dibdib na animo'y nasasaktan talaga siya.

"Hindi naman talaga kapanipaniwala ang mukha mo" tamad na sambit ni kuya Ashton.

Pumikit na lamang ako kaysa dinggin ang kanilang walang kwentang pag-uusap.

"Stop it na kuya, tinulugan tuloy tayo ni baby girl" the heck? Baby girl? At talagang dinamay pa ako sa kalokohan nilang dalawa.

"Shut up Aaron" inis na saad ni kuya Ashton. Rinig ko naman kung paano magdabog si kuya Aaron dito sa tabi ko.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na rin kami. As always, may mga babaeng naghihintay sa pag-arrive ng knights kahit ata sa ibang school may admirers sila. Eh di sila na ang maraming fans, kahiya naman.

Bumaba na rin kami dahil andiyan na rin naman ang knights. Paimportante talaga kahit kailan. Mas lalong nag-ingay ang mga kababaihan dahil nakita nila ulit ang mga monkey knights.

"Here we go again" bored kong bulong sa hangin. Todo na kasing pa-cute ang mga babae at dedma naman sila. Matapos ang grand entrance ng knights ay agad naman nagsibalikan ang mga estudyante na parang walang nangyari. Dahil rotation kami, sa training ground ako pumunta para mag-assist. Crimson vs Limestone ang maglalaban ngayon.

Nakarating na ako sa pwesto ko at hinihintay na lamang kung sino ang makakasama ko. Kahit sa rotation namin ay magiiba ng kasama, napaisip tuloy ako kung sino ang makakasama ko ngayon. Habang hinihintay ko ang makakasama ko, nilibot ko muna ang aking mata. Punuan na ang seats at ready na for battle mamaya.

I sense a strong presence, hinanap ko ito and it was coming from Hudas. May maitim na awra ang nakapalibot sa kanya  at makikita mo rin ang mukha niyang papatay na ng tao.

Nakalapit siya sa akin at padabog siyang umupo sa tabi ko. Hindi ko nalang siya pinansin baka ayaw niya rin akong kausapin.

"Why?" Madiin niyang saad, ako ba kinakausap niya or hindi? Pasimple kong tinignan kung may kausap siya pero diretso lang ang tingin niya. May kausap ba siya na hindi ko nakikita? Ang creepy naman ng isang ito.

Extra Character in a Novel Where stories live. Discover now