Chapter 19

322 15 1
                                    

Achlys/Avery POV

“hi class, good morning at bakit ganyan ang mga mukha ninyo?” narinig ko naman ang tanong ng instructor namin kaya napaangat ako ng tingin. Tsk, hanggang ngayon pa pala hindi pa sila naka get over sa nangyari. Hindi ba nila alam ang salitang move on?

“okay, our topic for today's lecture is on how you understand yourself” sabi sa amin ni sir, understand yourself? Wtf, anong klaseng topic yan?

“seeing your faces like that, mapapatanong din ako kung bakit kailangan nating intindihin at unawain ang ating mga sarili” tuloy ni sir sa discussion niya, napapahikab nalang ang mga kaklase ko dahil sa topic namin ngayong araw.

“hindi sa lahat ng bagay alam na natin lahat tungkol sa ating sarili. Hindi nga nating alam kung bakit andito tayo sa mundo ito. Hindi nga rin natin alam kung ano ba talaga ang purpose natin sa mundong ito at mapapatanong nalang tayo sa ating mga sarili kung kilala ba natin talaga ang ating mga sarili” naging interesado naman ako sa sinabi ni sir. Kilala ko na ba talaga ang sarili ko?

“sometimes we think that we know about our selves but sometimes there is things that we don't know about our selves. Hindi mo na pala alam na nakakagawa ka na pala ng mga bagay na hindi mo naman dapat nagagawa tapos mapapatanong ka nalang sa iyong sarili na 'ako ba ito?' 'ang sarili ko ba ang may kakagawan ito?' see? Hindi natin alam kaya ngayon intindihin niyo ng maiigi ang sarili ninyo kaya-----------” naputol ang sasabihin ni sir ng may kumatok sa pinto.

“good morning sir” sabi nong taong kumatok kanina at kinakausap na si sir sa labas. Ano na naman kaya ang pinaguusapan nila? Nakita ko naman na tumango si sir at saka umalis ang estudyante. Pumasok naman si sir.

“okay class, pinapatawag ang knights sa headmaster office para mag-meeting for the upcoming school festival natin” ay ganun, sana all excuse sila. Nagsitayuan naman sila bago umalis.

“oh I forgot including you Avery, kasama ka” ako? Nyemas wala naman akong alam sa mga ganyang bagay eh. Nalilitong tumayo ako at saka sinundan ang knights na nakalabas na bago pa sabihin ni sir na kasama ako.

Kita ko ang likod ng knights habang naglalakad, para silang mga prinsipe na akala mo sa kanila ang buong hallway. Nahulog naman ang ballpen na nilalaro ko sa kamay ko kaya napatingin sila sa akin, dali kong pinulot at tumingin sa kanila.

“are you trying to skipped again Avery?” tanong sa akin ni Hades with his emotionless expression.

“no” sagot ko sa tanong niya.

“so anong ginagawa mo rito sa labas Avery?” malumanay na tanong sa akin ni Aries kaya ako napatingin sa kanya.

“kasama raw ako sa meeting na gagawin niyo” bored kong sabi sa kanila.

“okay” yan lang ang sinabi ni Hades at naglakad na siya, sumunod naman ang ibang knights. Dalawang metro ang layo ng pagitan namin kaya hindi ako nag-aalala. Sumunod lang ako sa kanila habang tahimik na naglalakad. Bakit parang ang layo naman ata ng headmaster office. Ang sakit na ng paa kong kakalakad.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago namin narating ang office ni headmaster Whitlock. Si Apollo ang kumatok. May narinig naman kaming nagsalita at pumasok kami. Hindi pa rin ako dumidikit sa kanila dahil ayaw kong makapitan galing sa kanila, tsk.

“mabuti naman at andito na kayo, have a seat everyone” umupo naman sila pero ako nakasandal lang sa pader at nag-cross arm ako. Hinihintay ko na magsalita si headmaster pero hindi pa rin ito nagsisimulang magsalita.

“sit here Avery, mangangalay ka diyan” sabi sa akin ni headmaster kaya umupo nalang ako sa bakanteng upuan pero malayo pa rin sa kanila. Basta ayaw ko lang talagang lumapit sa kanila.

Extra Character in a Novel Where stories live. Discover now