Chapter 20

307 15 0
                                    

Achlys/Avery POV

Naging busy ang knights at ganun din ako. As I expected, agad silang umuo sa aking plano from different schools nung inabot ang letters sa kanila. 2 representative ang kailangan, male and female category. Walang pasabi sa akin ang knights na ako at si Hades ang makiki-join sa battle in arena. Gusto ko sana yung nanonood lang ako eh pero sinali pala ako.

Ang ibang sections naman ay gumawa na sila ng booth. Ang napunta sa amin ay jail booth kaya nakakabanas, gusto ko sana yung horror booth eh kaso nabunot na pala ng kabilang section. Sa singing and dance naman ay magpapa-audition pa ang mga pres. every section at ganoon din sa dance kaya hassle ang buong isang linggo for preparations. Inumpisahan na rin ang pag-design sa stadium para sa gaganaping pageants at napili naming isali ay si Dianne at Elijah. Hindi na sila nakaangal pa dahil ako ang nag-suggest.

Andito ako ngayon sa stadium nakaupo habang umiinom ng tubig. Napagod kasi akong magkabit-kabit ng kung ano-anong abobot sa stage para magmukhang maganda kahit boring. Hindi naman siguro halata sa akin na napipilitan lang ako.

"what kind of face is that Avery, ikaw lang ata ang nakabusangot" at saka tumabi sa akin si Orion, hindi na rin ako inaaway ng isang ito at ng iba pang knights. Himala talaga na hindi na nila ako iniinis at inaasar maliban na lamang kay ahas girl.

"what do you want?" busangot kong tanong dito pero umiling lang siya at syempre uminom din ng tubig. This is the feeling pala kapag naging close mo sila, mababait naman pala ang mga ito.

"this is a tiring day" tama siya nakakapagod ang araw na ito, paano pa kaya sa susunod na araw eh di mas nakakapagod din iyon.

"i am so exhausted to the the point na gusto ko nalang matulog sa malambot kong kama" sabi pa niya habang nakatingin sa mga estudyanteng tumutulong sa akin para matapos namin ang pagdedesinyo sa buong stadium.

"hindi ko talaga malaman ang iniisip ng superior kung bakit kailangan pang papasukin ang ibang school eh alam naman niyang hindi maganda ang samahan ng iba't ibang school" iyon din ang nasa isip ko sa mga nakaraang araw, hindi maganda ang relasyon ng bawat school kaya nakakapagtaka talaga na gusto ng superior kuno nila na dapat pumasok ang ibang estudyante sa aming school. Maybe to build a strong foundation or good relationsh*t perhaps.

Bumuntong hininga naman itong katabi ko saka siya tumayo at nagpaalam sa akin. Sa totoo lang hindi maganda ang pakiramdam ko sa magaganap ng school festival. Hindi ko ito alam pero kinakabahan talaga ako na ewan, ilang araw na kasi itong nararamdaman ko at kinakabahan ako talaga at ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

"tulaley ka na naman Trix" si Dianne naman ang tumabi sa akin.

"i have a bad feeling about this school festival" sabi ko rito ng seryoso at tumingin sa kanya.

"a-ano naman yung bad feeling mo na iyon ma'am?" alam niya kasi na kapag sinabi kong may masama akong nararamdaman ay nagkakatotoo kaya hindi niya maiwasang kabahan.

"hindi ko matukoy pero nararamdaman ko" lumumok ng lumunok si Dianne sa tabi ko at nanginginig siya sa sobrang kaba.

"huhuhu, wag mo naman po ninyo akong takutin ma'am" sabi niya sa akin at kumapit sa braso ko.

"hindi ako nagbibiro Dianne at hindi kita tinatakot" sabi ko rito. Kinalma muna niya ang kanyang sarili saka siya tumingin sa akin ng seryoso pero hindi pa rin maitatago ng kaseryosohan niya ngayon ang sinasabi ng mga mata niya, andun pa rin ang kaba at takot

"what do we need to do?" tanong niya sa akin. Hindi naman halata sa kanya ang panginginig eh no. Mukha kasing nakakita ng multo sa lakas ng nginig niya.

"just stay focus and always alert" tumango naman siya sa sinabi ko at umalis siya habang ang mga paa niya ay nanginginig habang bumaba sa hagdan. Tsk, ang hilig kasi sa kape kaya ganyan siya ngayon.

Extra Character in a Novel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon