Chapter 26

171 15 4
                                    

Someone POV

"nakapasok na po ang mga tauhan natin sa school nila" nakayukong sabi sa akin ng aking tauhan. Ngumisi naman ako dahil sa magandang balitang sinabi niya sa akin. Ito na ata ang pinaka-magandang balitang narinig ko.

"good, good, kung ganoon ay humanda kayo...HAHAHAHAHAHA" be ready Whitlock Academy because I have a big surprise that you wouldn't forget in your entire life... HAHAHAHAHA...

"make sure na handa lahat ng tauhan natin" tumango ito at saka ko siya pinalayas sa harapan ko. Sisiguraduhin kong mabubura kayo sa mundong ito, lalong lalo ka na... HAHAHAHAHAHA..

Achlys/Avery POV

Nagsimula na ang school festival at nagkalat na ang mga estudyante ng lumabas ako sa infirmary, masaya silang pumupunta sa iba't-ibang booth pero ako diretso lang ang lakad dahil uuwi ako, sakto at andoon ang pamilya ni hudas para mapag-usapan ang walang kwentang kasal na sila mismo ang nah-desisyon.

Hindi ko pinansin ang mga taong nakakasalubong ko kahit todo tingin sila sa akin. Wala na akong pakealam kung ano man ang itsura ko ngayon dahil mas importante pa ang pupuntahan ko. Nang makarating ako sa parking lot ay agad akong sumakay sa kotse at agad ko itong pinaandar ng mabilis.

Hindi pa man din ako nakakalayo ay may dalawang motor na kulay itim ang sumusunod sa akin. Sh*t, hindi ba talaga sila titigil. Pinaharurot ko ang sasakyan ko at ganun din sila. Binubusinahan na ako ng mga ibang sasakyan dahil sa ginagawa namin. Hindi ko naman gagawin ito kung hindi nila ako hahabulin.

Nakipagkarerahan ako sa dalawang nakamotor, nahagilap ng aking paningin ang paghugot ng isang nakamotor sa kanan ang kanyang baril kaya agad ko pinunta ang sasakyan ko sa left lane. Naiputok iyon sa side mirror ng isang kotse, tangina kailangan ko ng iwasan ang mga ito, wala pa naman akong dalang armas. Mas lalo kong pinaharurot ang sasakyan ko at ngayon ang nasa kaliwang nakamotor ang bumunot kaya pumunta naman ako sa right lane.

May nakita akong kalsada sa kanan ko kaya agad kung kumanan at pinatakbo ng mabilis ang sasakyan ko at hanggang ngayon ay nakasunod pa rin sila pero may kalayuan na. Habang nag-mamaneho ako ay naghahanap ako ng pwesto na pwedeng pagtaguan ng sasakyan ko, nang may nakita akong eskinta na madilim sa bandang kaliwang parte na sure ko naman na kakasya ang sasakyan ko ay agad kong ipinasok ang sasakyan ko at pinatay ang makina ng sasakyan ko.

Narinig ko ang huni ng kanilang motor na lumagpas sa pwesto ko, nang alam kong wala na sila ay saka ko naman pinaandar ang aking sasakyan at umalis doon at pupunta sa bahay.

Ilang minuto lang lumipas ay nakarating na rin ako sa bahay at agad kong ginarahe ang aking sasakyan saka daling bumaba. Bago pa man ako pumunta sa office ni dad ay pumunta muna ako sa kusina para uminom, napagod kasi ako sa habulan namin kanina. Pagkatapos kong uminom ay agad akong nag-tungo sa office ni dad.

Kumatok ako ng ilang beses hanggang sa narinig ko ang boses niya na kailangan ko ng pumasok. Natigil lang ang kanilang usapan ng nakita nila akong pumasok.

"i want to break off the engagement dad" diretsong sabi ko kay dad habang nakatingin ako rito ng seryoso. Napaawang naman ang kanilang bibig dahil sa sinabi ko.

"wh-what did y-you sa-say?" utal na tanong ni dad kaya naparolyo ako ng mata.

"you know what I said dad" malamig na turan ko rito.

"i thought is it okay for you?" ngumisi naman ako dahil sa sinabi ni dad sa akin.

"it's not okay dad, I WANT TO BREAK OFF THE ENGAGEMENT, RIGHT HERE, RIGHT NOW" talagang inemphasize ko ang mga sinabi ko para malinaw sa kanila.

"why iha?" malungkot na tanong sa akin ni Mrs. Whitlock.

"simply, i don't like your son" sabi ko rito.

Extra Character in a Novel Where stories live. Discover now