Chapter 16

317 12 1
                                    

Apollo POV

“i told you hindi siya basta bastang babae, tignan niyo ang ginawa niya kay Hermes muntik na niya itong mapatay” sabi ko sa mga ito. It's been a week since nangyari ang labanan sa pagitan ni Hermes at ni Avery. Hanggang ngayon ay nakahilata pa rin si Hermes.

Hindi kasi sila naniniwala sa kwenento ko sa kanila that time na kaya lang daw niya ako niligtas dahil sa plinano niya ito eh napatay niya nga ang leader nila na si Brandon eh tapos sasabihing plano lang niya iyon.

Minsan ay hindi pala minsan madalas hindi ko alam ang takbo ng utak ni Hades. Itong nagdaang araw napapansin kong panay ang tingin niya kay Avery. Baka nga iisipin kong may gusto na ito sa kanya pero malabo dahil mahal niya si Angela. Si Hades iyong tipo ng taong gagawin ang lahat para lang sa taong mahal niya.

“oo na naniniwala na kami, tsk” sambit sa akin ni Zeus. Isa rin ito eh hindi ko na rin nakikitang may kasama siyang iba't ibang babae. Ano ba nangyayari sa mga ito? May alam ba sila na hindi ko alam?

“akala ko nga walang kakalaban sa atin pero biruin mong nilabanan tayo ng dalawang taong hindi natin ineexpect na lalaban sa atin, malala pa doon kapatid ni Ashton at Aaron” hindi makapaniwalang sabi ni Poseidon at himala wala siyang hawak ng pagkain ngayon.

“kaya wag ninyong ubusin ang pasensya ni Avery dahil maliit lang ang pasensya niya. Hindi ko man alam kung saan iyon nagtraitraining dahil sa lakas ng suntok at sipa na ibinabato niya kay Hermes” sabi ni Ashton sa amin, tama siya sa liit at payat na pangangatawan ni Avery ay kaya niyang mag-bitiw ng ganoong kalakas na sipa at suntok sa kalaban niya kaya hindi na ako nagtaka nung laban nila dahil alam kong gaano siya kahusay makipaglaban.

“hindi ko nga rin alam na ganoon na lamang ang aking takot ng makita ko ang nag-aapoy na mata niya habang kinakalaban nito si Hermes, nakakakilabot” sabi naman ni Aaron habang niyayakap pa niya ang sarili niya.

“hindi pa ba kayo tapos pag-usapan ang ginawa ni my lo--- este ni Avery kay Hermes, isang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin kayo maka-get over sa nangyari” kumunot naman ako sa sinabi ni Achilles, duda ako sa isang ito, halos lagi niyang pinagtatanggol si Avery kapag pinag-uusapan siya. Don't tell me, nagkakagusto na ito kay Avery? May kaagaw agad ako.

“what the hell Achilles, what's wrong with you? Kung makapag-tanggol ka kay Avery para mo siyang kasintahan ah” hindi siya nakapagsalita at umiwas ng tingin sa amin habang namumula ang tenga niya sa sinabi ni Orion.

I confirmed, may gusto kay Avery kahit niya aminin sa amin. Umubo naman ito ng peke saka niya tinignan si Orion ng matalim.

“hindi ko siya pinag-tatanggol, nakakarindi na kasi ang paulit-ulit niyong sinasabi about what happened last week kaya masakit na sa tenga, okay” depensa naman nito kay Orion pero ngisi lang ang binigay na sagot ni Orion sa kanya. Hindi pa kasi aminin halata na nga sa kanya.

“are you done talking” nabaling naman ang tingin namin sa malamig at seryosong tao sa isang gilid habang nakapikit. Andito pa pala ang isang ito, akala ko umalis na.

“ano ka ba naman pareng Hades, we will just discussing some important things, hehehe” sabi ni Zeus pero tinignan niya lang ito ng malamig at nakakatakot na tingin.

“important? Who? That girl? Really Zeus?” napalunok naman kami sa sunod sunod na katanungan niyang isa o dalawang words lamang pero naiintindihan naman namin ang ibig niyang sabihin.

“is she really important to you to talk about it?” mas lalo ulit kaming napalunok dahil sa lamig niyang magsalita. Nakikilabot siya, ang lamig na nga ng aircon dito sa infirmary dinagdagan pa ni Hades ng malamig na boses siya.

“hindi naman as ganoon pre, masyado lang kasi kaming nahihiwagaan sa mga pinag-gagawa ni Avery these past few days, right guys?” talagang isinama pa kami ng bwesit na Zeus na ito.

Extra Character in a Novel Where stories live. Discover now